^

PSN Showbiz

Daniel at Kathryn ramdam ang problema sa inflation, tipid-tipid din!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel at Kathryn ramdam ang problema sa inflation, tipid-tipid din!
Kathniel

Malaki ang pasasalamat ni Daniel Padilla sa kanyang inang si Karla Estrada at kasintahan na si Kathryn Bernardo dahil sa paggabay at pangangalaga sa mga perang pinagpapaguran ng aktor. “’Yung mga ermat namin magagaling. So si Kathryn siya ‘yung tagapigil sa akin. ‘Kailangan mo ba talaga ‘yan?’ So iisipin ko, ‘Hindi ko na kailangan ito, masyadong mahal,” nakangiting kwento ni Daniel.

Kahit pinagtitipid ay gusto lamang umanong ma-enjoy ng aktor ang katas ng kanyang mga pinaghihirapan. “Normal naman ang pagtitipid. Lahat naman tayo kapag hindi tayo mga bilyonaryo, kailangan talaga nating magtipid dahil ang pera ay mabilis lang ‘yan. Pero at the same time, you enjoy your money. ‘Yun lang din para sa akin, tamang balance. Ako kasi bilang tao hindi ako masyado gano’n katipid. I enjoy these material things, but you have to balance it. Kasi siyempre hindi ka naman selfish eh, nandiyan ‘yung pamilya mo. Kung may sobra eh di rock and roll. Gano’n lang,” paliwanag ni Daniel.

Samantala, maging si Kathryn ay ramdam din umano ang problema ng inflation sa bansa kaya pinag-iingatan din nang husto ang mga kinikita. “Ako personally nagtitipid din dahil hindi joke ngayon like gasoline. So basta tamang balance lang, hindi ‘yung ide-deprive mo ‘yung sarili mo. Siguro doblehin lang natin ‘yung before buying anything, isipin mo kung kailangan mo ba kasi iba ngayon eh,” pagbabahagi ni Kathryn.

Marco, ayaw makilala sa paghuhubad

Masayang-masaya si Marco Gumabao dahil kahit wala na sa pangangalaga ng Star Magic ay patuloy pa rin siyang nabibigyan ng proyekto sa ABS-CBN. Isa ang aktor sa mga magbibida sa teleseryeng Los Bastardos kasama sina Jake Cuenca, Albie Casiño, Joshua Colet at Diego Loyzaga.

Ayon kay Marco ay marahil ang pagkakaroon ng magandang katawan ang dahilan kaya siya nagkakaroon ng mga proyekto. “Well, siguro yes. Because kung ‘yon naman talaga ang bebenta sa ‘yo then use it di ba? Eh before no’ng medyo bata-bata ako, no’ng chubby ako, medyo malayo pa sa ngayon. So I guess na malaking tulong rin talaga siya. At the same time ayoko naman siyang gamitin all the time para makuha ‘yung mga roles. Ayoko naman na makilala lang na, ‘Ay! Si Marco Gumabao naghuhubad lang.’ Siyempre gusto ko makilala na marunong umarte. Bonus na lang ‘yung maganda ang katawan,” pagbabahagi ni Marco.

Kahit nasa panganga­laga na ng Viva Artists Agency ay hindi naman sumasagi sa isipan ng binata na lumipat sa ibang TV network. “My heart is with ABS (CBN) talaga. Nando’n lahat ‘yung mga boss na talagang napakabait sa akin. You feel at home with them and siyempre aminin natin, it’s the best station also. Malaking desisyon for me na umalis ako noon sa Star Magic. Unang-una I was gonna leave my mother network, mawawala ako sa ABS. Hindi ako sure kung makakakuha pa ako ng project sa ABS no’n,” pagtatapat ni Marco.

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with