Anne walang yabang, perfect idol sa social media

Anne

MANILA, Philippines — Si Anne Curtis dapat talaga ang maging idol pagda­ting sa social media. May manner at marespeto. Hindi ginagamit ang account na milyun-milyon ang followers para enganyuhin na mang-bash.

Hindi rin siya judgemental, marunong makiusap at higit sa lahat marunong magpasalamat.

Parang siya lang ang superstar status ang ganun ang attitude sa kasalukuyan.

Ang ibang celebrity, mabilis mag-conclude at mapanghusga. Malicious pa, binibigyan agad ng malisya ang maliit na bagay na wala namang kaisyu-isyu.

Di tulad ni Anne na marespetong makiusap kung pakiramdam niya ay hindi puwede ang isang bagay. Hindi malakas ang dating ng pakiusap niya tungkol sa sinasabing pinagdaanang depression ng sister niyang si Jasmine

Kaya naman walang makapantay sa career ni Anne.

Nasa attitude talaga at pakikisama kahit maliit na tao lang ang kinakausap niya thru social media.

Si Anne so far ang local celeb na may pinakamaraming followers sa social media - Twitter 10.5 million followers, Instagram 9.7m followers and Facebook 14,236,093 followers. Almost 36 million ‘yun kung tutuusin.

Pero sa kabila ng ganun karaming followers, nanatiling grounded si Anne.

Thumbs up Anne. Nag-iisa ka!

Show comments