Catriona may makakalabang transgender sa miss universe

Angela at Catriona

Walwal, iba-iba ang kita sa first day

Seen : Ang transgender woman na si Angela Ponce ang nanalo na Miss Universe Spain 2018. Ang 26-year old beauty queen ang official representative ng Spain sa 67th Miss Universe at si Catriona Gray ng Pilipinas ang isa sa mga makakalaban niya. Hindi baguhan sa mga international beauty pageant si Ponce dahil siya ang representative ng Spain sa Miss World noong 2015.

 Scene: Negang-nega ngayon ang image ni Ara Mina dahil tinukoy na siya ng CEB member na si Rina Navarro bilang ang aktres na hindi pinahalagahan ang kanilang friendship at  inagaw ang kanyang fiancé, ang government official na si Dave Almarinez.

Seen : Ang direkta na pagbanggit ni Rina Navarro sa pangalan ni Ara Mina ang dahilan kaya pinaratangan siya na mang-aagaw dahil naungkat ang mga nakaraan na pakikipagrelasyon niya kina Jomari Yllana at Bulacan Mayor Patrick Meneses na mga dating karelasyon ni Aiko Melendez.

 Scene: Mahihirapan si Ara Mina na pabulaanan ang mga akusasyon ni Rina Navarro dahil lihim na nakunan ng video ang pag-uusap nila habang inaamin niya ang katotohanan sa hysterical na fiancé ni Dave Almarinez sa insidente na nangyari noong May 9, 2018 sa mismong birthday party ng aktres.

Scene: Tama ang pasya ni Vina Morales na huwag nang magsalita tungkol sa kontro­bersya na kinasasangkutan nina Ara Mina at Rina Navarro dahil mauungkat pa ang pakikipagrelasyon niya noon sa very much married businessman na si Cedric Lee, ang ama ng kanyang only daughter.

Seen: Hindi pa naglalabas ng official statement ang mga producer ng filmfest movie nina Coco Martin at Vic Sotto tungkol sa participation ni Maine Mendoza sa Popoy En Jack: The Puliscredibles pero kinumpirma ito ng Universal Records na ibinase lamang ang impormasyon mula sa hearsay.

Scene : Magkaiba ang mga press release tungkol sa first day box office gross ng pelikulang Walwal, ang unang pelikula ni Donny Pangilinan. Apat na milyong piso ang official statement ng Star Cinema at P1.2 million ang sabi ng movie booking agents.

Show comments