Sharon lagi raw kinukumpara ang career nila ni KC
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinaliwanag ni Ms. Sharon Cuneta kung bakit parang malayo ang loob niya sa anak na si KC Concepcion. Sa kanyang IG post, sinabi ni Ms. Shawie na 13 years old pa lang kasi ay kakaiba na ang relasyon nilang mag-nanay. “Love being with my girls. I admittedly didn’t have this kind of relationship na with KC after she turned 13...

She had the best of my youth though. And she was the best kid ever! I somehow just lost her somewhere years back...though I love her very much and will be here for her anytime.

“She’s a full-grown adult so I don’t expect that I’ll suddenly have such a big impact on her life now! I wanted her to grow up independent, but medyo too independent na siya which isn’t necessarily a bad thing.

“I just miss that I know I have FOUR kids and am able to share my life with only THREE. No bad. All good naman. These 3 gremlins naman are my joy and “entertainment” at home! I never like to leave the house when they are with me. I LOVE that we are stuck together like glue,” bahagi ng kuwento ni Shawie tungkol sa relasyon niya sa tatlong anak nila ni Sen. Kiko Pangilinan na sina Frankie, Meil and Miguel.

Matagal-tagal na ring pinag-uusapan na hindi umano in good terms ang mag-inang Sharon and KC.

Ang rason ayon sa source ay lagi diumanong kinu-kumpara ni Sharon ang achievements niya sa career ni KC ngayon.

Common knowledge kung gaano kabongga ang career ni Sharon noon samantalang si KC ay reluctant star pa rin hanggang ngayon.

Jessy nakaligtas sa aksidente, driver na nakatulog hindi sinibak!

Buong akala ni Jessy Mendiola ay mamatay na siya matapos mabangga ang kanyang kotse.

Sa kanyang IG story ay kinuwento ni Jessy na nakatulog ang kanyang driver na naintindihan naman daw niya dahil alam niyang pagod din naman ito. “Met an accident this morning… My driver dozed off while at the wheel and lost control, my van hit a barrier and we swayed from left to right for a bit before my driver got control of the steering wheel again.

“I honestly thought I was going to die. The scariest part was the side that got hit was where I was sitting, maybe that was why I was the one who wake up first.

“I’m very thankful nothing happened to me and no other vehicles went against us. I didn’t wish for this experience but it made me appreciate my life more, I thank God for waking me up before things got worse…,” kuwento ng girlfriend ni Luis Manzano.

Base sa IG story ni Jessy nag-pack up sila ng 3:45 a.m.

John Lloyd hindi na raw kailangan ang showbiz!

Tumanggi na si John Lloyd Cruz magpa-interview sa Star Patroller na si Mario Dumaual nang mag-attend ito ng isang art exhibit.

Hindi na raw siya showbiz. Yup, as in pinangatawanan na ng actor na isa na siyang ordinary citizen.

  Kilalang art collector si John Lloyd kaya siguro hindi niya ito napahindian pero todo iwas daw ito.

Mohawk inspired ang bagong hair cut ni John Lloyd na si Ellen Adarna mismo ang naggupit.

Anyway, kilalang mayaman sila Ellen sa Cebu kaya ang opinyon ng ilang nakakakilala sa aktor, baka nga hindi na kailangan ni JL ang showbiz para kumita. Kasalukuyang nasa Amanpulo ang mag-dyo­wang kontrobersiyal.

SHARON CUNETA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with