^

PSN Showbiz

Julia wala pa ring tiwala kay Joshua!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia wala pa ring tiwala kay Joshua!
Joshua at Julia

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang naging emosyonal na mga pahayag ni Joshua Garcia sa amin sa Tonight with Boy Abunda. May kinalaman ito sa problemang pinagdaanan ng aktor at kasintahang si Julia Barretto.

Ngayon ay nagkaayos na ang dalawa at ayon kay Julia ay nagkaroon ng pro­seso ang mga bagay-bagay sa pagitan nila ni Joshua kaya dumaan ang araw na hindi sila nag-usap. “It’s a process. When I’m not ready to speak about it, I just want the person to know that I’m aware of what’s happening. I’m aware of what you did. And that’s my time to think. That’s my time to reflect and that’s my time to pray, ” paliwanag ni Julia.

Hindi raw nangangahulugang itinataboy ng dalaga si Joshua noong mga panahong hindi niya kinakausap ang aktor. “With this guy, we have respect for each other. There’s love and we built something beautiful. So it wasn’t something na madali kong sasabihin na tama na, I don’t want to talk. I don’t want you anymore. It’s not like that. It’s more like, this is what you did. I know what you did, this is what I felt. Let me hear your side,” giit ng dalaga.

Ang importante para kay Julia ay ang pinahahalagahan siya ng kasintahan. “I know my worth, I know my self value Tito Boy. I have learned important things. Self-worth, self-value, things I can tolerate and what I cannot tolerate and I made that clear to him,” pagbabahagi ng aktres.

Kahit naayos na ang gusot sa pagitan ng dalawa ay hindi pa rin umano nanunumbalik ang tiwala ni Julia sa binata. “It was a rough patch but I didn’t put whatever we built and our partnership to waste. So up to this day Tito Boy, he’s still trying to gain my trust and that’s the truth. He’s still trying to gain my trust but we’re okay. Accept, forgive and move on. Life goes on,” makahulugang pahayag ni Julia.

Maxene at Rob, ayaw pang magkaanak

Mahigit tatlong buwan na ang nakalilipas nang magpakasal sina Maxene Magalona at Rob Mananquil. Ayon sa aktres ay wala pa sa kanilang plano na magkaroon ng mga anak at bumuo ng pamilya sa ngayon. “Wala pa sa plans namin. Maybe in a couple of years but like right now, ang dami pa naming gustong matupad na pangarap. Kasi naisip ko hindi na kami bata ni Rob. So hindi naman ‘yon parang basta bahala na or whatever. Kung ka­yang planuhin nang maayos, gagawin talaga namin nang nakaplano nang maayos lahat,” nakangiting pahayag ni Maxene.

Dalawang anak lamang umano ang pinapangarap ng mag-asawa. “I come from a big family of eight children. I would not run eight kids but dahil nga sa situa­t­­ion na ibig sabihin, ganitong edad ako nagpakasal and ito na ang age ko now, siguro mga two to three kids. We need to be realistic din, hindi naman bahay-bahayan lang ‘to,” pagtatapos ni Maxene.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with