^

PSN Showbiz

Video ng paglalandi binura, Nadine kinampihan sa panghahawi sa abusadong fan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Video ng paglalandi binura, Nadine kinampihan sa panghahawi sa abusadong fan
James

Marami ang kampi kay Nadine Lustre sa ginawa nito na paghawi sa kamay ng babae na hindi matapos-tapos ang request na selfie photo sa kanyang boyfriend na si James Reid.

Ang sabi ng mga defender ni Nadine, ganoon din ang gagawin nila kapag nasa similar situation sila dahil naging OA na ang behavior ng unruly fans. Hindi naman daw malakas ang paghawi ni Nadine pero binigyan ito ng malisya at pinalaki ang isyu.

May nakapagsabi sa akin na US-based ang girl na super fan ni James na super dikit sa binata.

Knows naman natin ang raket ng mga super fan, hindi talaga nila tinatantanan ang kanilang mga favorite star kaya nga may mga handler na taga-awat at taga-hawi ang mga artista.

Nabalitaan ko rin na binabastos na sina James at Nadine ng ibang mga guest kaya tama lang na bakuran ng aktres ang kanyang boyfriend na nahirapan na kontrolin ang sitwasyon.

Hindi yata naiisip ng fans na mas makakausap at makakasama nila nang maayos ang kanilang mga hinahangaan na artista kung magpapakadisente sila.

Hindi na kasalanan nina James at Nadine kung i-bash ng fans nila ang mean girls na nagpakita sa kanila  ng kagaspangan ng ugali.

Nag-react lang ang JaDine fans, ayon sa mga video na napanood nila na inilabas sa social media ng mean girls. Ang ending, nag-boomerang sa kanila ang mga ginawa nila dahil sila ang nakatikim ng mga batikos.

Kung talagang hindi mean ang girls na kumuyog kay James, bakit nila binura ang mga video na nagpapakita ng pag-flirt nila sa dyowa ni Nadine?

Jasmine kumpirmado na kay Alden?!

Dalawang taon ang kontrata na pinirmahan kahapon ni Jasmine Curtis Smith sa GMA 7 pero hindi pa sinasabi ang pamagat ng teleserye na pagbibidahan niya dahil may tatapusin pa siya na pelikula sa Unitel Productions.

Interesado ang fans na malaman ang unang project ni Jasmine sa Kapuso Network dahil may tsismis na makakapareha siya ni Alden Richards sa bagong teleserye nito.

Wait and see na lang tayo sa official announcement ng GMA 7. Napakaaga pa para mag-speculate dahil kapipirma pa lang ng kontrata ni Jasmine sa Kapuso Network.

Basta ang sure, magpapalagay ng GMA Pinoy TV sa bahay nila sa Australia ang madir nina Jasmine at Anne Curtis para mapanood niya ang mga programa sa GMA 7 ng kanyang anak na Kapuso star na.

‘Marivic magaan kasama, parang matagal ko nang kilala…’

Thank you sa bagong BFF ko na si Marivic Larrazabal dahil sa kindness niya sa grupo namin na nagbakasyon sa Macau at Hong Kong.

Unang kita ko pa lang kay Marivic, ang gaan-gaan agad ng loob ko sa kanya as in parang matagal na kaming magkaibigan at soulmates.

Hindi stranger si Marivic sa television world dahil nagtrabaho siya noon bilang producer ng show ni Senator Loren Legarda noong active pa ito sa TV.

Asawa si Marivic ni former COMELEC commissioner Gregorio Larrazabal na private citizen na ngayon.

Nakilala ko si Marivic dahil kay Tet de Joya, ang special assistant ni Congressman Albee Benitez. Truly memorable ang short vacation namin sa Macau at Hong Kong dahil kina Marivic at Tet kaya looking forward ako na maka-bonding uli sila dito sa Metro Manila.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with