_ngayon
^

PSN Showbiz

Teacher Georcelle nagbukas ng dance studio!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Teacher Georcelle nagbukas ng dance studio!

Noong  April 7 ay pormal nang binuksan ang pinakabagong branch ng G-Force Dance Center sa Alabang. Naisipan umano ng mag-asawang Georcelle at Angel Sy na magtayo ng dance studio sa 3rd floor ng Festival Mall dahil sa dami ng mga nagre-request sa kanila. “Nag-open tayo sa Alabang because there’s really a demand from the people from the South. It’s really challenging for them to come to Quezon City (Il Terrazzo).

“For how many years ang daming nagre-request sa amin, they’ve been sending e-mails, ‘Mag-open naman kayo sa South.’ Ang daming nag-aabang ng G-Force. The minute we announced, grabe ang response ng mga tao. It is also a sign of growth for G-Force. Every year naghahanap kami ng isang magsi-symbolize, ano ang improvement for this year? Ano ang bago sa atin? Paano natin masasabi na may growth tayo, the Alabang branch is one ‘Humbaaam’ sign,” nakangiting pahayag ni Teacher Georcelle.

Samantala, magsisimula na rin ang pinakamalaki at pinakasikat na dance workshop sa bansa. Pang-labing-isang taon na ngayon ng G-Force Project at ayon kay Teacher Georcelle ay malaki na ang ipinagbago nito ngayong 2018.

“G-Force project is now a series. It’s still the biggest, grandest summer dance workshop in the Philippines and that’s really our claim because it is the grandest, it is the biggest. Last year we had 1,600 students, to mount a show for 1,600 students, it was entertaining still but kind of a long wait for the most of the parents. This is our gift for them. You can go to one, you can go to two, you can go to three shows if you want. But the wait is not going to be that long. We learned from our expe­riences and breaking it into three parts will really make a lot of difference and it will be really, really more improved 2-hour show,” pagdedetalye ni Teacher Georcelle. “Ang pride namin dito sa G-Force, home-grown choreographers, that’s our pride and exclusivity, they don’t teach in other schools or studios. Kung ano ang napapanood n’yo sa ASAP, kung ano ang napapanood n’yo sa mga concert, kung sino ang nagtuturo kina James Reid, Nadine Lustre, Sarah Geronimo, those are the people, choreographers who will train them, who will handle them. Kumbaga, ‘yung mga galawang nakikita n’yo, ‘yung nagtuturo kay Maja Salvador, kay Sarah Lahbati, lahat ‘yan, ‘yan ang mae-experience ng mga estudyante. This is an experience of a life time,” dagdag pa ng Founder at Artistic Director ng G-Force.

Sa The Theater ng Solaire gagana­pin ang G-Force Project 2018 Summer Dance Workshop concert series sa June 8, 12 at 16. Ito ang magsisilbing culmination ng lahat ng mga estudyanteng mag-e-enroll sa dance workshop. Matatandaang sa Araneta Coliseum at MOA Arena ginaganap ang culmination sa mga nagdaang G-Force Project kaya ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na idadaos ito sa isang theater. “I really want to give the students the theater training. They will do their own make-up. There will be quick costume change na sila-sila lang and walang katulong but you have your own space. You have your mirror, you will feel that you are really a performer. Sariling sikap lahat, that’s the training that I want to give them. For those who are interested to join the program, they can dial 0917-8GFORCE (436273) or 02-7096077 for inquiries. They can also download our mobile app (G-Force Dance Center). They will be trained by celebrity tea­chers and choreographers of G-Force Dance Center,” pagtatapos ni Teacher Georcelle.

G-FORCE DANCE CENTER TEACHER GEORCELLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with