TINGNAN: Jinkee niregaluhan si Ed Sheeran ng boxing gloves

MANILA, Philippines – Masayang-masaya si Jinkee Pacquiao nang makasama panandalina ang iniidolong international singer na si Ed Sheeran.

Nagkaroon ng pagkakataon si Jinkee na makapagpakuha ng litrato kasama si Ed Sheeran sa backstage ng concert kagabi sa Mall of Asia.

Niregaluhan ng asawa ni eight-division champion Manny Pacquiao ang international singer ng boxing gloves na may imprenta ng watawat ng Pilipinas.

Hindi naman matiyak kung may lagda ni Manny ang gloves na iniabot ni Jinkee.

“It’s an honor to meet you Ed Sheeran,” sabi ni Jinkee.

Show comments