Pia at Gerald

Gerald bugbog sarado sa pagiging unfaithful!
(Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2018 - 12:00am

Direk Cathy nakatikim sa Jadine Fans!

Seen: Ang paratang na may hidden motive ang direktor na si Cathy Garcia Molina sa mga tweet niya tungkol kina James Reid at Nadine Lustre. Walang naniniwala sa press release ni Direk Cathy na nakalimutan niya na baka maging malaking isyu ang kanyang mga sinabi niyang iba ang naririnig niyang kuwento kila Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone tungkol sa pakikipagtrabaho sa JaDine.

Scene: Magaling at matalino na direktor ang projection ni Cathy Garcia Molina. Ignorante ang maniniwala sa kanyang press release dahil alam na alam niya na siguradong pagpipistahan ang lahat ng mga intriguing post sa Twitter at ibang form ng social media.

Seen: Bago manghimasok si Cathy Garcia Molina sa personal affairs nina James Reid at Nadine Lustre, ang isyu ng pag-unfollow ni Bea Alonzo sa Instagram account nina Gerald Anderson at Pia Alonzo Wurtzbach ang unahin niya na patulan. Si Direk Cathy ang direktor ng My Perfect You kaya siguradong alam niya ang lahat ng mga nagaganap at naganap sa set ng kanyang pelikula.

Scene: Kaibigan niya sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas ang sabi ni Cathy Garcia Molina na inaakusahan na mapagpanggap. Kung tunay na kaibigan si Direk Cathy  alam niya na malapit na ang playdate ng Never Not Love You na project nina Direk Antoinette at Direk Dan na siniraan niya nang pailalim, at the expense of James Reid and Nadine Lustre.

Seen: Durog na durog si Gerald Anderson sa mga batikos ng fans ni Bea Alonzo na kumbinsido na hindi siya naging faithful sa relasyon nila ng aktres.

Scene: Trabaho lang at hindi personal ang showbiz na showbiz na reaksyon ni Senator Kiko Pangilinan tungkol sa private dinner ng kanyang misis na si Sharon Cuneta at ni President Rodrigo Duterte. Marami ang nabababawan sa sagot ni Sen. Kiko dahil hindi maganda sa paningin na nakikipaghalak­hakan at nakikipagmabutihan ang kanyang asawa sa tao na halos araw-araw ay binabatikos niya.

Seen: Ang paliwanag ni Sharon Cuneta na hindi ito dumalo sa jewelry launch ni KC Concepcion noong Martes para hindi siya makaagaw sa kaligayahan ng kanyang anak pero natabunan pa rin ang event ng balita ng dinner nila ni President Rodrigo Duterte. 

Scene: Ang super duper over the top acting ni JC Santos sa Ang Probinsyano na malayung-malayo sa natural at effortless acting ni Coco Martin.

Seen: Nawala ang kaseksihan at ganda ni Alice Dixson sa mga eksena niya sa Ang Probinsyano dahil nag-mature nang husto ang kanyang mukha nang magpapayat siya.

ANTOINETTE JADAONE CATHY GARCIA MOLINA DAN VILLEGAS GERALD ANDERSON JAMES REID NADINE LUSTRE PIA WURTZBACH
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with