^

Metro

Presidente ng jeepney association, tinodas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang jeepney driver na pangulo ng kanilang asosasyon makaraang barilin ng hindi nakilalang salarin na nagpanggap na pasahero, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Inisyal na nakilala ang  nasawi na si Jerry Adolfo, residente ng Brgy. Tinajeros, ng naturang lungsod.  Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa salarin.

Sa paunang ulat, nakapila sa kanilang terminal si Adolfo sakay ng kanyang ipinapasadang jeep sa may Del Pilar Road, Brgy. Tinajeros dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang pamamaril.

Nagpanggap umano na pasahero ang suspek at pumuwesto sa likod ng biktima saka bumunot ng hindi pa mabatid ng baril at barilin sa ulo si Adolfo.  Nagtakbuhan palabas ng jeep ang ibang nahintakutan na pasahero ngunit sumabay dito ang salarin kaya hindi na natukoy.

Ayon sa mga kasama­han sa asosasyon, si Adolfo ay ikatlong pangulo ng kanilang samahan na napaslang.  Dito ngayon nakatutok ang mga imbestigador upang mabatid ang motibo sa krimen at makilala ang nasa likod nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with