Rhian nagulat sa pabulaklak ni Jolo ; Baguhang sexy actor walang kamuwang- muwang na utang ang mga biyahe nila ng GF!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2018 - 12:00am

PIK: Tuwang-tuwa si Rhian Ramos na nabigyan siya ng chance na mag-action sa pelikulang pinagsamahan nila ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Si Rhian ang leading lady ni Jolo sa episode nito na pinamagatang 72 Hours.

Nai-excite raw siya sa role bilang isang PDEA agent, dahil nag-a-action siya na malayung-malayo sa role niya bilang glamorosa at sosya­lerang si Zoey sa The One That Got Away.

Nagpapasalamat pa siya dahil ramdam daw niya kung gaano siya ka-special sa set ng pelikula nila ni Jolo.

Sabi ni Rhian, “First time ko na-experience na first day ko sa shooting may bouquet ako ng flowers. He’s so kind and welcoming, and such a gentleman. Everyone on the set I always feel that everyone’s taking care of me. I feel very special dito sa set na ‘to, and magka-share kami ng tent ni Vice Jolo. So, we get to learn a lot of each other.

“It’s been very nice getting to know him. I’m surprised kung gaano siya ka-humble as a person, and kung gaano siya ka-friendly and lahat ng concerns around the set, kinu-concern niya ang sarili niya. Kung nakakain na ba lahat sa set.”

PAK: Nag-text sa akin ang isa kong kaibigang travel agent na nagtatanong kung kilala ko raw ba ang isang baguhang sexy actor.

Sinagot ko naman siya ng “oo” dahil nakatsikahan ko ‘yun noon sa isang sexy/comedy stage play na sinalihan niya.

Matagal na pala niya itong kilala dahil boyfriend daw ito ng isang magandang dancer na nagsasayaw dati sa isang daily game show. Pero lumipat na raw ito ngayon sa isang sports show.

May utang pala ang girlfriend ng baguhang sexy actor sa travel agent na kinukunan niya ng ticket sa mga biyahe kasama ang boyfriend na baguhang sexy actor. Nagbibiyahe raw silang dalawa sa Hong Kong, Singapore, at Boracay na gastos pala ng girlfriend ang plane ticket.

Nagbabayad naman daw paunti-unti pero may balanse pa raw sa kanya na ‘di naman na kalakihan. Pero naiirita na si travel agent dahil dini-dedma na raw siya ng girlfriend ng aktor sa mga text at tawag niya.

Nakikiusap ang kaibigan namin kung puwedeng iparating namin sa boyfriend ng dancer, pero nagbago ang isip niya.

Tingin niya raw kasi, hindi knows ng baguhang sexy actor na inuutang ng girlfriend ang tickets na ginagamit nila sa mga bakasyon nilang dalawa.

BOOM: Sold-out ang tickets sa special screening ng Citizen Jake na ginanap sa UP Film Center noong kamakalawa ng gabi.

Magkakaroon nga raw uli ng isa pang screening sa March 23, pero wala pang sinasabi kung kailan talaga ang commercial showing nito at kung aaprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Pero nakausap namin si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa DZRH noong gabi ring iyon, kaya hiningan na namin ng reaksyon tungkol sa pelikulang ito na kumokontra sa rehimeng Marcos.        

Walang alam si Imee tungkol dito kaya nagtanong pa siya ng ilang detalye tungkol sa pelikula.

Wala raw siyang balak na panoorin pa ang naturang pelikula.

Sabi lang niya, “I know very little about the movie.

“Pasensya na, the first time I heard about the film kasi medyo out of touch na ako sa showbiz, pero ganunpaman, I suppose everyone has a right to put up their own version of the story.

“Kilala naman natin si direktor Mike de Leon na magaling, na-experience ko sa Batch 81 at ‘yung iba pang trabaho niya na napakagaling.

“Subalit, sa kabila nito may karapatan din kami na magsaad at i-propose ‘yung aming version of the story rin.

“So, okay lang kasi ganyan ang demokrasya, kanya-kanyang bersyon.

“Ang importante ang mga millennials ngayon, the age of information of access to all the information, at nasa kanila ang pagtitimbang kung alin nga ba ‘yung totoo; ‘yung nasa libro, ‘yung nasa sine, nasa turo ng teacher o ‘yung kuwento ng lola nila na mas maginhawa at magaan ‘yung buhay noon.”

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with