^

PSN Showbiz

Aljur matindi ang kabang pinagdaanan kay Robin

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Aljur matindi ang kabang pinagdaanan kay Robin

Kylie, Robin, at Aljur

Aminado si Aljur Abrenica na talagang kinabahan siya sa ginawang pamamanhikan kamakailan sa bahay ni Robin Padilla upang pormal nang hingin ang kamay ng anak na si Kylie Padilla. “Pumunta kami sa kanila, pinakilala ko ang sarili ko, pati pamilya ko. Tinanggap naman kami ni Tito Robin, nagkaroon ng salu-salo. Kahit sino kakabahan talaga eh, para mamanhikan, hingin mo ‘yung kamay ng anak sa isang pamilya. Panibagong chapter ‘yon,”nakangiting kwento ni Aljur.

Sa ngayon ay hindi pa malaman ng aktor at ni Kylie kung kailan gaganapin ang kanilang kasal pero nagpaplano na ang magkasintahan para dito. “Hindi pa namin maisarado kasi gusto naming makarating lahat. Tulad ng pamilya ni Kylie, nanay niya, pati ‘yung mga kapatid niya,” paliwanag ni Aljur.

Masayang-masaya ang aktor dahil naayos na ang gusot sa pagitan nila ni Robin. Malaki rin ang pasasalamat ni Aljur sa pagtanggap ni Robin sa kanya upang maging asawa ng anak.

Matatandaang sumama ang loob ni Binoe kay Aljur mula nang mabuntis si Kylie at hindi pa ito mapakasalan ng aktor. “Salamat Tito Robin. Marami siyang aral na ipinamahagi sa akin,” pagtatapos ni Aljur.

Pitong buwan na ngayon ang apo ni Robin kay Kylie na si Alas Joaquin.

Robi ayaw makumpara kay Inigo

Ilang taon nang VJ ng MYX si Robi Domingo. Natutuwa ang aktor dahil ngayon ay nagsisilbi na rin siyang inspirasyon para sa mga baguhang VJ sa nasabing music channel kagaya ni Inigo Pascual. “Sobrang nakakatuwa, kasi I remember my first times in MYX days at ang sinasabi ko, idol ko si Kuya Luis Manzano. Tapos nga ang pini-peg niya (Inigo) ako,” bu­ngad ni Robi.

Para sa binata ay nakikitaan niya ng potensyal si Inigo at magkaibang-magkaiba raw ang kanilang talento. “Inigo is very far from what I do. It’s a good thing kasi he can sing, he can do a lot of things. He composed songs and I’m really happy that MYX got him. Kasi parang ang tagal na,”nakangiting pahayag ni Robi.

Sana raw ay matagal nang kinuha ng MYX ang anak ni Piolo Pascual dahil talagang may taglay itong galing. “Umpisa pa lang sana kinuha na siya ng MYX. He is really what MYX is looking for. He has a potential naman to do a lot of things and ang maganda kay Inigo, he’s very open sa lahat ng bagay. Kung ano ‘yung sabihin ko sa kanya, he makes it everything. But you know, malayo ang mararating ni Inigo,” giit pa ni Robi.
 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with