Pauleen,  Thali at Ryzza Mae

Pauleen planong idemanda ang mga nanglalait kina Baby Tali at Ryzza Mae!
Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2018 - 12:00am

NBI pasok sa eksena

PIK: Sikat pala ang bandang Agsunta sa mga mahilig mag-ikot sa bars. Ilan sa mga kaibigan namin ang nakipag-unahan sa pagbili ng tickets sa kanilang post-Valentine concert na Valentimes 2 na gaganapin sa Teatrino mamayang gabi.

Kasama nila rito si Migz Haleco na pinagnanasaan naman ng mga kabadingan. Pero dedma si Migz sa tanong ng mga bading kung kanya ba talaga ‘yung kumakalat na video scandal. Hindi naman bago ‘yan sa mga guwapong celebrity na kung anu-ano ang ginagawang paninira sa kanila.

Sana panoorin daw siya mamayang gabi dahil sa performance niya, lalo na’t ang magaling na Agsunta ang ka-back-to-back niya.

Special guests nila mamayang gabi sina Zhalia, Ylona Garcia, at Inigo Pascual.

PAK: Hindi na apektado si Martin del Rosario sa isyung kabadingan. Pati kasi siya ay natanong tungkol sa rebelasyon ni Mark Bautista sa libro niyang Beyond the Mark.

Sa presscon ng bagong afternoon drama sa GMA 7 na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, muling naungkat kay Martin ang tungkol sa kanyang sexuality pero parang namanhid na raw siya sa isyung ‘yun.

“Matagal na po kasi ‘yun eh. Paulit-ulit na lang na tinatanong. Pero parang naka-move on na rin sila sa katatanong sa akin. Four to five years ago pa ‘yan eh. Sa ABS(-CBN) pa ako niyan,” pakli ni Martin.

Pero siya ba ang tipo ring gagawa ng libro para ibahagi ang kuwento ng buhay niya?

“Hindi ko kasi ma-imagine ang sarili ko na writer. Hindi ako masyado good in words.

“Hindi ako magaling sa ano eh…” medyo naaalangan pang sagot ni Martin.

Pero humanga raw siya sa katapangan ni Mark na inamin niya ito, kahit nakataya ang kanyang career.

“Kasi ‘yun nga, public figure ka tapos harapin mo ‘yun. Isang malaking move ‘yun eh,” sabi pa ng Kapuso actor.

Huwag naman daw sanang gamitin pa ang nasabing isyu sa promo ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, dahil marami raw silang puwedeng pag-usapan.

BOOM: Napuno na si Pauleen Luna sa isang basher na avid fan ni Maine Mendoza.

Ilang fans ni Maine ang pinatulan na niya dahil pati ang anak na si Talitha ay idinamay na.

Matagal na raw kasi siya bina-bash dahil hindi siya close kay Maine. Mas close nga si Pauleen kay Alden Richards na kinuha pang ninong kay Baby Talitha.

Muling nagpaliwanag si Pauleen sa kanyang Twitter account na hindi totooong hindi niya gusto si Maine. Sabi ng EB Dabarkad, “I DO NOT DISLIKE MAINE! I don’t know where some people got that idea. How I wish she would stay in the studio so we could all be close! But since she’s in the barangay, we don’t get the chance to bond katulad ng mga nasa Broadway.”

May post pa siyang nagpaliwanag na hindi siya galit sa AlDubnation. Kailangan lang daw niyang patulan ang ilang bashers na obvious ay sobrang fanatic kay Maine, dahil idinamay na pati sina Baby Talitha at Ryzza Mae Dizon.

Nainis lang daw kasi siya sa malisyosong pagkumpara kina Tali at Ryzza Mae.

May post uli si Pauleen tungkol dito. Sabi niya, “Lastly, leave my 3 month old daughter out of this!!! I would like to make it clear that I NEVER got mad at anyone who said Talitha looks like Ryzza. Stop inventing. Naiinis ako sa mga tao na nagsasabi na magkamukha sila na may malice! Meaning, pag may sad face, meaning, nilalait.”

Dagdag pa niya, “Maawa naman kayo dun sa bata. More on kay Ryzza eh…yung tina-tag pa siya. Kawawa naman.”

Pinaiimbestiga na nga ni Pauleen ang nagmamay-ari ng account at pinag-iisipan kung magdedemanda dahil ang dalawang bata ang involved. Kaya lang, deactivated na raw ang account.

Kahapon ng umaga ay nakatanggap ng text message si Pauleen mula kay Alden at nagsu-sorry sa nangyari.

PAULEEN RYZZA MAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with