Kris ibinuko ang ginawa nila ni Juday
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2018 - 12:00am

Wala mang project sa TV si Kris Aquino, hindi naman siya nagkuku­lang ng product endorsement. May bago na naman siyang TV commercial na lalabas, this time kasama niya si Judy Ann Santos. 

Nakapag-shoot na silang dalawa na matagum­pay na nailihim ng kumpanya na gumagawa ng pro­dukto, pero dahil kay Kris ay nabatid ng publiko. 

Ang maganda kay Kris ay marunong itong mag-appreciate ng mga magagandang pangyayari sa kanyang buhay, at ilihim ito kung kinakailangan. Nasabi man niya ang ginawa nilang trabaho ni Juday, nailihim pa rin niya kung ano ang produkto na ini-endorse nila. 

Nakasunod pa rin siya sa secrecy na hiningi ng mga kumuha sa kanila bilang endorser.

In all fairness to Kris, unti-unti na niyang nababawi ang estado niya sa pamamagitan ng kanyang talent at perseverance. 

Mabuhay ka, Kris! Jameson nakaungos na!

Kung may dapat pasalamatan ang miyembro ng #Hashtags na si Jameson Blake sa mabilis na pag-angat ng karera niya kumpara sa mga naunang sumikat na kamiyembro sa dance group tulad nina Zeus Collins, McCoy de Leon, Ronnie Alonte, Jon Lucas at Nikko Natividad, ito ay ang Regal Films ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde.

Sunud-sunod ang pagbibigay sa kanya ng dalawa ng mga pelikula. Hindi pa man nakakatapos ang pagpapalabas ng Haun­ted Forest na lumampas na sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017, heto at kasama na naman siya sa ipalalabas na Mama’s Girl kasama sina Sylvia Sanchez at Sofia Andres. Bahagi siya ng love triangle kasama nina Sofia at Diego Loyzaga. 

Meron na rin siya agad kasunod na movie, ang So Connected. Isa ito sa apat na pelikula na pi­nir­mahan niya na gagawin sa Regal. Kung sa Mama’s Girl ay panggulo siya kina Sofia at Diego, sa So Connected ay sila ni Janella Salvador ang bida, minus Elmo Magalona.

Janella pinaboran sa pananahimik sa away nila ng ina

Tama lang na tanggapin ni Janella Salvador ang sitwasyon nila ng inang si Jenine Desiderio pagdating sa kanyang lovelife lalo na kay Elmo Magalona. Pasasaan ba’t lalambot din ang kalooban ng ina. Ipagpatuloy lang niya ang pagbibigay ng paggalang dito at pag-iintindi. 

Ganun lang talaga ang maraming ina pagdating sa kanilang anak na babae. Kapag nakita naman ni Jenine na karapat-dapat si Elmo sa pagtatangi ni Janella, matatanggap din niya ito.

Kailangan lamang masiguro ni Jenine na mapanatiling pribado at hindi sirkus ang away nila ng anak niya. Huwag sa kanya manggaling ang pagkawala ng paggalang sa pagitan nilang mag-ina.

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with