^

PSN Showbiz

Paulo gustong bumawi sa anak!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Paulo gustong bumawi sa anak!

Aki at Paulo

Aminado si Paulo Ave­lino na malaki ang pagkukulang niya bilang ama sa anak nila ni LJ Reyes na si Ethan Akio Aki. Kung mabibigyan ng pagkakataon ang aktor ay babawi daw ito kay Aki ngayong taon. 

“For the longest time kasi hindi ko nakita ang anak ko dahil nagkaroon ng problema sa maraming bagay. Mid-last year naayos na at nakikita ko na ang anak ko. Ang problema naman minsan kapag nalungkot ka, gusto mo magtrabaho nang magtrabaho. So ang dami kong tinanggap na trabaho na aabot hanggang mid this year yata. Siguro kulang ko last year, this year siguro more time for my son. Lumalaki na rin,” paliwanag ni Paulo. 

Ngayon ay ang modelong si Jodie Elizabeth Tarasek ang kasintahan ng aktor. Sinisikap ni Paulo na mabigyan din ng panahon ang dalaga upang mapagtibay pa lalo ang kanilang relasyon. Binabalanseng mabuti ngayon ng aktor ang kanyang oras sa trabaho at sa mga mahal sa buhay katulad ng anak at kasintahan. 

“Parang magkaroon ng oras sa mga minamahal natin sa buhay na labas din sa ginagawa natin sa trabaho. Alam n’yo naman sa trabaho natin round the clock tayo for several days dire-diretso. Ngayon naman gusto ko balansehin,” nakangiting pahayag ni Paulo. 

Diego Itinanggi ang love angle kina Inigo at Sofia

Kamakailan ay napabalitang nagkahiwalay na diumano bilang magkasintahan sina Sofia Andres at Diego Loyzaga. Ayon sa aktor ay hindi kailan man nagtapos ang relasyon nila ng dalaga. “Of course not. Siyempre hindi, marami pa rin kaming ginawang proyekto ni Sofia, so no. Bakit naman ito mag-i-end,” pagtatapat ni Diego. 

Sa napabalitang hiwalayan ay si Maris Racal diumano ang naging dahilan na ngayon ay sinasabing espesyal sa puso ni Inigo Pascual. “That is something that is so not true. Pinalaki lang ‘yan. Inigo, Sofia, Maris, and I are very close friends. We talked about it of course and it’s sad na may gumawa pa ng gano’ng issue. Walang naghiwalay. Hindi kami naghiwalay ni Sofia,” giit ng binata. 

Samantala, para kay Diego ay malaki ang ipinagbago ng kanyang pagkatao mula nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng amang si Cesar Montano noong isang taon. “I think the mistake I learned the most from was probably the issue that happened last year with my father and I. I think it’s a really big stepping stone. I think it made me grow as a person, grown as a man and it made me realize a lot of things. I wish things could have been different. I wish we could have talked in person, sana nag-usap kami,” makahulugang pahayag ni Diego.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with