Magandang aktres nadismaya sa kakapIranggot na ari ng ex na pogi at mayaman

Walang aray ang kaligayahan

Nu’ng minsang nagkayayaan ang isang magkakatropang female personalities ay naglantad ng kanyang baraha sa mesa ang isang magandang aktres. Natural, naganap ‘yun nu’ng puro malagihay na sila, madudulas na ang kanilang mga dila.

Siya ang unang nagkuwento sa kanyang mga kaibigan kung bakit mas pinili niyang magkahiwalay na sila ng isang male personality na matagal-tagal din niyang nakarelasyon.

Napakalakas kuno ng insecurity ng lalaki. Guwapo naman ito, may sinasabi naman ang kanyang pamilya, pero nagtataka ang female personality kung bakit punumpuno ng insekuridad sa katawan ang kanyang boyfriend.

Kuwento ng aming source, “Hindi raw niya maiha­nap ng reason ang sobrang insecurity ng boyfriend niya nu’ng una. Pati kasi ang mga kaibigan niyang beki, e, pinagseselosan ng guy.

“Sobrang higpit sa kanya ng lalaki, bago siya makalabas na kasama ang mga kaibigan niya, e, kailangan pa nilang magtalo, talagang inaaway na lang niya ang guy para makasama niya ang mga friends niya.

“Nalaman niya ang tunay na dahilan kung bakit nu’ng medyo magtagal-tagal na ang relasyon nila. Siyempre, isinasama na siya ng guy sa mga lugar na silang dalawa lang ang magkasama.

“Malalim-lalim na ang relationship nila nu’n, payag na ang girl na bumiyahe sa langit na kasama ang boyfriend niya, excited nga ang girl nu’ng una sa kung anumang mangyayari sa kanilang dalawa!

“Pero ang excitement ng girl, e, nauwi sa depression. ‘Yun pala ang reason kung bakit kahit guwapo ang boyfriend niya, e, super-possessive at seloso.

“Ikinuwento niya sa mga kaibigan niya nu’ng nagnomo-nomo sila na wala man lang siyang naramdaman nu’ng bumiyahe sila sa langit. As in wala talaga. Para bang lumipas lang ang panahon ng pagla-lovemaking nila na kahit kagat lang ng langgam, e, hindi niya naramdaman.

“Korek! Hindi pala ganu’n sa expectation ng girl ang makikita niya. Parang sundalong lumusob sa giyera ang boyfriend niya na amy armas nga, pero napakaliit naman, hindi makapapatay ng kalaban.

“’Yun pala ang dahilan kung bakit dudero ang guy, baka nga naman makatagpo ang girl ng lalaking may maipagmamalaki, kaya natatakot siya. Paulit-ulit na ikinuwento ng girl sa mga friends niya na ‘yun ang relasyong pinasok niya na walang aray!

“Hay, naku! Kung gaano raw kaigsi ang name ng ex niya, e, ganu’n lang din kaigsi ang armas niya,” nalolokang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jinggoy inihingi ng tulong si Bong sa Itim na Nazareno

Dumalo sa misa nu’ng pista ng Poong Nazareno sa Quiapo si Senador Jinggoy Estrada. Marami siyang hiniling sa kanyang panalangin. Una ay ang kaligtasan ng kanyang pamilya at ang ikalawa ay dasal para sa kanyang kaibigang karnal na si Senador Bong Revilla.

Malaki ang pananalig ni Senador Jinggoy sa Itim Na Nazareno. Marami siyang dasal na ibinigay sa kanya. Basta may pagkakataon ay personal siyang dumadalo sa misa sa Quiapo.

Taimtim ang kanyang panalangin na sana, tulad niya, ay mabigyan na rin ng pagkakataong ma­ka­paglagak ng piyansa ang kanyang kaibigan. Makalaya na rin sana si Senador Bong para pareho na silang nakakasama ang kanilang pamilya at ang mga kaibigang hindi bumitiw ng pagsuporta sa kanila.

Mula nu’ng makalaya si Senador Jinggoy ay naging regular na bahagi na ng kanyang buhay ang paglalaan ng panahon para sa kanyang kaibigan na naiwan pang nakapiit sa PNP Custodial Center.

“Alam ko kung gaano kalungkot ang buhay sa loob. Tatlong taon kaming nagkasama du’n. Masaya lang kami kapag nandu’n ang mga pamilya namin, ang mga kaibigang hindi nakalilimot makaalala, pero kapag umalis na sila, back to reality na kami.

“Malungkot na uli ang paligid. Nakaiinip. Nakabibingi ang katahimikan, ramdam mo ang lungkot, napakahirap. Alam na alam ko ‘yun, kaya mula nu’ng makalabas ako, palagi ko siyang pinupuntahan.

“Gusto kong iparamdam kay Pareng Bong na marami kaming nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya,” sinserong pahayag ni Senador Jinggoy.

Dati nang ideyal ang pagkakaibigang meron sila pero ang pagsasama nila nang tatlong taon sa piitan ay mas nagpatibay pa sa pundasyon ng kanilang samahan.

 

Show comments