^

PSN Showbiz

Aktres ginugutom ang mga nagpapaganda sa kanya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagtripan ng mga netizens ang isang female personality na napakaramot ngumiti. Kung ilarawan ng kanyang mga bashers ang babaeng personalidad ay parang palaging nakakaamoy ng kung anong mabaho.

Binalikan pa ng mga ito ang kuwento tungkol sa singer-actress nu’ng nasa kabilang istasyon pa siya. Ganu’n din ang kuwento, ni hindi ngumingiti ang female personality, talagang bagay na bagay sa kanya ang pangalang Simang dahil sa madalas niyang pagsimangot.

Ang dami-daming nakisakay sa mga kuwento tungkol sa female personality, kani-kanya ng ambag na istorya ang mga kababayan natin, tulad na lang ng mga nagtatrabaho sa parlor kung saan regular na nagpupunta nu’n ang female personality.

“Pagpasok niya sa shop, e, nakasimangot na siya. Ni hindi siya ngumingiti. Kunsabagay, kahit naman sa mga shows niya, e, hindi talaga siya ngumingiti. Pero minsan naman, e, tawa siya nang tawa kahit wala naman yatang dahilan!

“So, habang nagpapagawa siya sa shop, e, nakatukmol lang siya sa upuan niya. Hindi siya nakikipag-usap kahit kanino, basta nakatunganga lang siya, ni hindi siya ngumingiti,” sabi ng source.

Kapag wala siyang panahong magpunta sa shop ay nagpapa-home service na lang siya. Pero nagtuturuan ang mga operators ng shop, walang may gustong magpunta sa housing authority niya, dahil sa maraming kuwento.

Patuloy ng impormante, “Bukod sa hindi nga siya nakikipag-usap man lang, bukod sa hindi siya marunong ngumiti, e, nagugutom din ang mga nagse-service sa kanya sa bahay nila.

“Wala kunong pakialam ang girl sa bituka ng ibang tao, ni tubig, wala raw ibinibigay sa kanila. Natural, duling na sa gutom ang mga gumagawa sa kanya, di ba?

“Kaya kapag nagpapa-home service siya, e, walang may gustong tumanggap ng work, ayaw ng mga manggagawa sa shop, dahil bukod sa nagugutom na sila, e, ni hindi siya nagbibigay ng tip.

“True! Wala nang lafang, wala pang pakimkim! Sobrang kunat kuno ng aktres na ‘yun na ang lakas-lakas namang kumita dahil marami siyang shows sa isang malaking network!

“Ewan naman sa babaeng ‘yun! Wala siyang ka-PR-PR! Pareho lang sila ng kapatid niyang simangutera rin at negang-nega ang dating sa mga fans!” naiinis na kuwento ng isang source.

Ubos!

Sharon balik na sa dating buhay!

Post lang nang post nu’n si Sharon Cuneta ng mga mensaheng nambubulabog sa kamalayan ng ating mga kababayan. ‘Yun ang mga kuwentong hindi siya maligaya, na ang kaligayahan ay hindi nabibili ng salapi, it’s lonely at the top.

Pero wala siyang kinukumpirma, kaya naging pahulaan ang kanyang sitwasyon, hiwalay na ba sila ni Senador Kiko Pangilinan o may plano pa lang siyang makipaghiwalay?

Lalong umangat ang mga pagdududa nang i-post niya ang retrato ng kanyang mga anak na ayon sa Megastar ay miss na miss na niya habang nag-iisa siyang nasa ibang bansa.

Kinambalan pa niya ‘yun ng mga kuwento ng kalungkutan. Ng mga kuwento ng paghihinagpis. Naisip ng mga tumututok sa kanyang mga posts, totoo ngang may pinagdaanang matinding problema sa kanyang personal na buhay ang Megastar, hindi na niya mapigilan ang kanyang emosyon.

Wala siyang inamin nu’n, basta nag-emote lang siya nang nag-emote, hanggang sa dumating na ang araw ng rebelasyon. Walang nagtatanong, walang nang-uurirat sa kanya, pero si Sharon mismo ang kumumpirma ng pinagdaanan nila ni Senador Kiko nu’ng nakaraang taon.

Lantarang pahayag ni Sharon sa ASAP nu’ng bigyan siya ng tribute sa ikaapatnapung taong anibersaryo niya sa showbiz, “Kiko, thank you. We’ve been through so much, so very much.

“We almost lost each other last year. I praise God that the family is together and the children are happy,” diretso ang tingin sa senador na bitiw ni Sharon.

Tanging “Amen!” lang ang isinukli ng pulitiko sa kanyang sinabi, makahulugan ang salitang ‘yun, sumasang-ayon ang senador sa mga ipinahayag ng kanyang misis.

Ang mahalaga, minsan pa, ay ang maisalba nilang dalawa ang kanilang relasyon. Dumarating naman ang mga ganu’ng pagsubok sa buhay ng mag-asawa pero ang pinakaimportante ay kung paano nila hahawakan ang mga paghamon para nila mapanagumpayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with