^

PSN Showbiz

Winwyn pinanindigan na ang paggamit ng ibang pangalan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: May special participation sa Ang Panday si Arjo Atayde. Ginampanan ni Arjo sa filmfest movie ni Coco Martin ang role ni Lizardo, ang kontrabida at kampon ng kadiliman na sumapi kay Jake Cuenca.

SCENE: Maligalig at nakakarindi ang ingay ng child actor na si Carlo Mendoza aka Gigil Kid nang mag-perform sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 noong Sabado. Introducing si Carlo sa Gandarrapiddo: The Revenger Squad ng Star Cinema.

SEEN: Parang umaarte lang sa gag show na Bubble Gang ang acting ni Ogie Alcasid sa Ang Larawan. Si Ogie ang gumanap na pulis sa pelikula na pinagbibidahan nina Joanna Ampil, Rachel Alejandro, at Paulo Avelino.

SCENE: Lumipad kahapon sa General Santos City ang malalapit na kaibigan ni Senator Manny Pacquiao dahil dumalo sila sa birthday celebration ng Pambansang Kamao. Kahapon ang 39th? birthday ni Pacquiao at tulad ng nakagawian, ginanap ang party niya sa KCC Convention ng KCC Mall sa General Santos City.

SEEN: Ang Cinema 2 ng Trinoma ang venue ng red carpet premiere sa December 21 ng Deadma Walking, ang official entry ng T-Rex Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2017. Lead actors ng Deadma Walking sina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa.

SCENE: Nasanay na ang mga tao sa pagtawag  ng Teresita kay Winwyn Marquez. Ang tunay na pangalan na ang ginagamit ni Teresita buhat nang manalo siya na Reina Hispanoamericana 2017 sa Bolivia noong nakaraang buwan.

SEEN: Ang Baclaran motorcade kahapon ni Coco Martin at ng mga co-star niya sa Ang Panday. Nagsimba muna si Coco sa Baclaran Church bago siya nag-promote ng Ang Panday sa Pasay at Taguig area.?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with