Ruru inisnab ang birthday ni Gabbi, si Khalil ang ka-date

Absent si Ruru Madrid sa birthday party ni Gabbi Garcia at hinahanap ng kanilang fans dahil wala ito sa pictures na ipinost ng aktres na mga bisita niya sa kanyang party.

Nasaktan pa at pinagselosan ng GabRu fans si Khalil Ramos na nasa party.

Anyway, sunud-sunod ang pro­jects ni Gabbi dahil bukod sa Meant To Beh, sila rin ni Ruru ang magka­sa­ma sa new teleserye ng GMA 7 na may working title na Sherlock, Jr. Kahit ka-love triangle nila si Janine Gutierrez, natutuwa pa rin ang fans na may bago silang TV show.

Isa rin si Gabbi sa host ng bagong online show ng GMA News & Public Affairs kasama sina Atom Araullo at Joseph Morong. Kay Atom ang topic na Adulting, kay Gabbi ang Goals at kay Joseph ang Fact of Fake. Sa 2018 ang airing nito.

Pelikulang Maestra pinupuri!

Ten days ginawa ni director Lemuel Lorca ang Maestra at Graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB). More or less, three weeks ginawa ni director Cathy Garcia-Molina ang Unexpectedly Yours na nabigyan din ng Grade A ng CEB. Ibig sabihin, wala sa haba ng shooting days ang ikinaganda ng pelikula at nasa execution.

Anyway, nakakatuwa si Dr. Carl Balita, producer ng Maestra na mapapanood simu­la December 8 sa eight SM Ci­nemas (Megamall, Manila, Sta. Mesa, MOA, North EDSA, Fairview, Southmall, at Bacoor) dahil hindi lang ang director at cast ng movie ang in-acknowledge kaya graded A, kung hindi ang buong production staff.

Ang husay daw ng scriptwriter, DOP, editor, musical scorer at buong technical staff at isa sila sa mga rason kung bakit gusto niyang magkaroon ng commercial run ang Maestra. Gusto niyang mapanood ng mas maraming tao ang pelikula na tribute sa mga guro, kaya kahit next year pa sana niya gustong magkaroon ng commercial run, nang sabihan na isasama ang movie sa Cine Lokal, go agad siya.

Of course, ang husay nina Angeli Bayani, Anna Luna, Gloria Sevilla at buong cast ang isa sa tatatak sa moviegoers.

Gabby hindi malimutan ang sarap ng luto ni Janice!

Ipinost ni Gabby Concepcion ang bite size cup cakes na gawa ni Janice de Belen na binili ng kanyang asawa sa sinalihang food fest ng huli sa Shangri-La Plaza. Eight pictures ang ipinost ni Gabby at pati phone number kung saan puwedeng tumawag ang mag-o-order with matching promo na, “Soooo good! EKSAKTO LANG.”

Nagpasalamat si Janice sa social media account ni Gabby, “thank you for posting pls thank your wife for dropping by and buying a lot.”

Hindi naiwasang may mga kinilig na after those years, magkaibigan ang mag-ex na sina Gabby at Janice.

Naalala tuloy namin nang ikinuwento ni Gabby sa isang interview na hanggang ngayon ay alam pa rin niyang masarap magluto si Janice at nagri-request pa nga ito ng isang dish ng aktres. Nangako naman si Janice na padadalhan si Gabby.

May mga nag-request tuloy sa GMA 7 na pagsamahin sila sa isang teleserye at pelikula na posible dahil parehong si Popoy Caritativo ang kanilang manager. Kaya lang, hindi pa puwede ngayon dahil pareho pang airing ang kani-kanilang teleserye. In fact, kahapon, first anniversary ng Ika-6 Na Utos ni Gabby at sabi, kung hindi January 2018 ay baka abutin pa hanggang February.

Ganu’n din ang My Korean Jagiya na kinabibilangan ni Janice, hindi pa malinaw kung kailan ang ending dahil ayaw pang bitawan ng viewers.

Kahit magaling, Gardo tsugi agad sa serye

Pinuri ni Carla Abellana si Gardo Verzosa sa husay na ipinamalas nito sa Monday episode ng Kambal, Karibal.

“The most compelling dramatic acting i’ve seen on Philippine television in quite a while. And for such a short role too.”

May idinagdag pa si Carla na bawat eksena raw ni Gardo sa loob ng anim na episode ay consistent ang husay nito. Nag-agree sa kanya si Pauleen Luna na nag-comment na she was moved sa mga eksena ni Gardo.

Nagtatanong tuloy ang viewers kung bakit agad pinatay ang karakter ng aktor, eh, mahusay naman ito.

Show comments