Anne pangarap pang magpagawa ng maraming classroom!

Kamakailan ay nagpakasal na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa New Zealand. Hanggang ngayon ay wala pa raw sa plano ng mag-asawa ang pagkakaroon ng anak.

“Hindi pa, we just got married and siguro not just yet. We’ll enjoy muna being married,” bungad ni Anne.

Wala rin sa plano ng aktres na talikuran ang pag-aartista kaya agad nagbalik sa trabaho pagkatapos ng kasal. Ayon pa kay Anne ay hindi na raw nagkaroon ng adjustment sa pagitan nila ni Erwan ngayong mag-asawa na sila. “Wala, walang adjustment talaga. If ever, I really just feel that it’s my last name that will be changing. If ever anything, it just made me a happier person,” giit ni Anne.

Samantala, nagbigay ng tulong pinansyal ang aktres sa UNICEF o United Nations Children’s Fund sa pamamagitan ng proyektong The Color Run Dream na pinangunahan ni Anne noong September. “Very thankful talaga ako sa lahat ng supporters that came to run. What was even more meaningful is we had children talaga who were able to participate,” nakangiting pahayag ng aktres.

Pinapangarap ni Anne na makapagpagawa ng mas marami pang silid-aralan para sa mga kabataang mag-aaral na talagang hirap sa buhay. “I have so much faith and belief on how important education really is for children,” pagtatapos niya.

Sam pumiyok na si Angelica lang ang kinilig sa halikan nila

Kasosyo ni Sam Milby sina Angelica Panganiban at John Prats sa production house na tinawag nilang Bright Bulb. Bukod sa pagiging mga produ­cer ay sina Sam at Angelica rin ang mga artista sa kauna-unahang music video na ginawa nila para sa kantang Malaya ni Moira dela Torre. Si John Prats ang direktor ng nasabing music video.

Ayon kay Sam ay nai-enjoy niya ngayon ang pagiging producer at artista. “Sobrang light, it’s a hugot song and hopefully you will feel the song with the way we did the music video. When we were actually on the set, sobrang light, parang enjoy, siyempre we are all friends and we did it pretty fast. I thought that with all the shots we were planning on doing matatapos ng 4 or 5 A.M. we started 9 A.M., we finished 10 P.M. So mabilis and we have extra shots pa that we didn’t get to use,” nakangiting kuwento ni Sam.

Samantala, kamakailan ay nabanggit ni Ange­lica sa isang pahayag na ginanahan ang aktres sa mga maseselang eksena nila ni Sam. Para sa aktor ay talagang ang dalaga umano ang nagdala ng matinding kilig sa kanilang mga eksenang ginawa. “I think siya ‘yung life ng music video shoot. Siya ‘yung nagbibigay ng lightness din kasi sa love story namin sa music video, parang nakakakilig. I think I give that to Angelica, the way she was able to make those scenes really kilig,” pagbabahagi ng aktor.

Show comments