^

PSN Showbiz

Dating sexy star na si Klaudia Koronel may sariling homecare facility sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Marami-rami na rin ang mga artistang naka-base na sa Amerika at isa sa kanila ang dating sexy star na si Klaudia Koronel, now married to Chinese-American na si Andy Zhang. Ang dalawa ay ikinasal noong August 28, 2009 sa Iglesia ni Cristo temple in Quezon City.

Si Klaudia ay may isang anak na si Zandy na naka-base rito sa Pilipinas.

Si Klaudia at ang kanyang mister ay naka-base na ngayon sa Arizona kung saan may itinayong homecare facility ang dating actress sa Gilbert, Arizona.

In February last year, Klaudia who is Milfe Dacula-Zhang in real life ay na-diagnose ng tumor sa kanyang uterus na kailangang maopera at tanggalin ang kanyang right ovary.

Bangs manganganak na

Very memorable kay Bangs Garcia (Valerie Pablo Garcia in real life) ang Boracay dahil doon niya nakilala ang kanyang Filipino-British husband na si Lloydi Birchmore in January 2015.

On the same spot kung saan sila unang nagkakilala ay doon din nag-propose ang mister na ngayon ni Bangs. Sa Boracay din ikinasal last January 2017 ang dalawa although may nauna na silang civil wedding rites in London at isa sa church bago nagtapos ang taong 2016.

Bangs is now heavy with their baby girl ni Lloydi na natakdang isilang sa unang linggo ng December, hopefully December 6 sa London.

Daniel excited magpatawa

Matapos mapanood si Daniel Matsunaga sa dalawang magkasunod na pelikula, ang Spirit of the Glass 2: The Haunted at Fallback, excited naman siya sa kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Meant To Beh na pinagbibidahan nina Vic “Bossing” Sotto at Dawn Zulueta na idinirek ni Chris Martinez for OctoArts Films, M-Zet Productions, at APT Entertainment.  Kasama rin sa naturang movie sina JC Santos, Gabby Garcia, Ruru Madrid, Andrea Torres at si Baeby Baste.

Erich at Enchong ayaw tantanan, wini-wish na maging sila na

Kung ang fans lamang nina Erich Gonzales at Enchong Dee ang masusunod, mas gusto nila na ang dalawa ang maging magkarelasyon sa totoong buhay laluna ngayon na pareho na silang single at hiwalay sa kanilang res­pective partners na sina Daniel Matsunaga at ang ex-GF ni Enchong na si Samantha Lewis na isang British-Filipina model.

Muling magtatambal ang dalawa sa isang bagong serye ng Dos kung saan kasama rin nila si Ejay Falcon.

Magkaibigan sina Erich at Enchong pero hanggang doon na lamang ang relasyon ng dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with