LizQuen umangat daw kay Atom!

Mukhang pinaghandaan ng ABS-CBN ang pilot episode ng documentary program ng dating Kapamilya TV journalist-reporter-TV host na si Atom Araullo na bumalik sa kanyang pinagmulang studio, ang GMA after 13 years of being a Kapamilya. At ayon sa resulta ng Kantar Media, nanalo ang pelikula ng LizQuen.

Last Sunday, November 5 from 3:30 p.m. to 5:00 p.m.  ay ipinalabas ang kauna-unahang TV docu project ni Atom na pinamagatang Philippine Seas.

ABS-CBN made it a point na hindi parehong kategorya o genre ang kanilang itatapat sa documentary project ni Atom kaya pinili nila ang pagpapalabas ng recent hit movie ng magka-love­team na sina Liza Soberano at Enrique Gil, ang My Ex and Whys na idinirek ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

Ang Philippine Seas TV docu project ni Atom ay sampung araw niyang ginawa at ni-research sa iba’t ibang bahagi ng karagatan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ano naman kaya ang susunod na ipa­pakita at gagawin ni Atom who is also debuting as a movie actor sa pelikulang Citizen Jake na siyang directorial movie comeback project ng award-winning di­rec­tor na si Mike de Leon.  Ang nasa­bing pelikula ay hindi na isinumite ni Direk Mike sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil umano sa anomalous screening ng naunang Top 4 na papasok sa Magic 8.

Hagupit ng Yolanda nakakaapat na taon na

Sa araw na ito ng November 8, 2017 ay ika-apat na taong paggunita ng super typhoon Yolanda na kumitil ng mahigit 6,000 buhay at nag-wipe out sa buong siyudad ng Tacloban at mga karatig lugar ng Leyte at Samar at ibang bahagi ng Eas­tern Visayas.

Ginugunita ang pang-apat na taon ng Typhoon Yolanda para maalaala ang mga taong nawala at nagbuwis ng buhay, libu-libong bahay na nawala at mga inprastrakturang nagbagsakan at nangasira at kung paano nakabangon ang siyudad ng Tacloban.

Sa loob ng apat na taon ay napakalaki na ng improvement ng Tacloban na siyang sentro ng kalakal sa Eastern and Central Visayas.

Ang mister ng actress-turned politician na si Mayor Cristina `Kring-Kring’ Gon­zales-Romualdez na si Alfred Romualdez ang mayor noon ng Tacloban City nang manalanta ang bagyong Yolanda at hindi ito nagpabaya ng kanyang tungkulin bilang ama noon ng nasabing siyudad.

Ang mga proyektong sinimulan noon ni dating Mayor Alfred Romualdez ay ipinagpatuloy ng kanyang misis na siyang nagpasimula ng mga bagong proyekto ng siyudad.

Kapag ikaw ay bumisita ng Tac­loban, halos wala na itong trace ng di­lubyo na pinagdaanan noong 2013 at ito’y dahil na rin sa kooperasyon at suporta ng mga local people. Hindi rin puwedeng isantabi ang internatio­nal aid na dumagsa sa Tacloban at iba pang apektadong lugar ng Eastern at Central Visayas at maging ang tulong ng natio­nal government.

Kung ang Tacloban City ay agad nakabangon, inaa­sahan na ganoon din ang mangyayari sa Marawi City na naging sentro ng bakbakan sa pagitan ng pa­ma­halaan at mga terorista na pinamunuan ng Maute Group.

Mga lalaking artista mas mabentang endorser  sa Korea

Bukod sa men’s products, traditional sa iba’t ibang beauty products ang pagkuha ng female celebrity endorsers to endorse their products pero hindi sa kaso ng South, Korea lalo na sa Seoul, dahil tila mas marami ang mga kilalang male celebrities na kinukuhang endorsers.

Sa buong stretch ng isang lugar sa Seoul kung saan tabi-tabi ang shops ng beauty products, nagulat kami na mas lamang ang mga popular male celebrities kesa mga babaeng celebrity endorsers. Mas nagiging mabili kasi sa kanila ang mga skin, facial and hair pro­ducts kung mga well-known male celebrity ang kanilang kinukuha since they are targeting the female market.  Ultimo give-aways ng male celebrities ay hindi basta-basta makukuha nang libre kapag hindi ka bumibili ng produkto.

Ilan sa mga prominent billboards, posters and cut-outs na aming nakita pagpasok ng Incheon Airport at maging sa Seoul Station ng South Korea ay prominent sina Lee Min-ho, Gong Yoo, Jun Ji-hyun, Park Bo-gum at iba pa.

Maging ang mga K-Drama and K-Pop  celebrity posters and calendars ay mahal pero mabiling-mabili hindi lamang sa local fans kung hindi maging sa Filipino fans na dumarayo ng South Korea.

Show comments