^

PSN Showbiz

Solenn may banta kay Andrea

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Solenn may banta kay Andrea

Solenn Heussaff

May pabirong pagbabanta si Solenn Heussaff kay Andrea Torres na maghanda sa pagpasok niya sa Alyas Robin Hood dahil kakabugin niya ito. Tsika ni Solenn nang matanong tungkol sa action series sa presscon ng All-Star Vi­deoke, may eksenang tatakbo siya ng slow motion with something.

Sa “something” dapat kabahan si Andrea at baka sobrang sexy ang suot ni Solenn at kabugin ang first scene niya na suot ang isang nude colored one-piece swimsuit galing sa parachute.

Samantala, sa Sunday na, September 3, ang pilot ng All-Star Videoke na host sina Solenn at Betong Sumaya. Dumaan sa audition at screen test ang dalawa kaya hindi sila maakusahang paborito ng network.

Mataas ang stage ng All-Star Videoke at dahil ito sa malalim ang huhulugan ng contestants na matatalo. Si Louie Ignacio ang director ng show.

Neil urong ang dila ‘pag si Angel ang pinag-uusapan

Naalala naming ayaw sagutin ni Neil Arce ang tanong ng press people tungkol sa kanila ni Angel Locsin nang um-attend siya sa presscon ng FanGirl/FanBoy ng Viva Films. Hindi kasama sa cast si Neil, pero siya ang line producer ng pelikula nina Julian Trono at Ella Cruz.

Hindi sumagot si Neil nang tungkol na kay Angel ang questions at pati ang tanong kung wala ba siyang balak iprodyus ng movie ang aktres ay hindi rin nito sinagot. Ang creative director ng FanGirl/FanBoy na si Bb. Joyce Bernal ang sumagot na may pinaplano silang movie for Angel.

Kaya namin nabanggit sina Angel at Neil dahil magkasama ang dalawa sa launching ng The Aivee Clinic. Ipinost ni Angel sa Instagram (IG) ang picture nila na marami ang nag-like.

Alexander Lee dinumog ng fans, dumugo ang labi!

Dinumog ng fans at viewers ng My Korean Jagiya sina Heart Evangelista, Edgar Allan Guzman, Mykel Salomon, at Alexander Lee sa mall show nila sa MarQuee Mall sa Angeles City. Ang daming tao at maraming requests na sa kanilang lugar naman pumunta ang cast, lalo na sina Heart at Alexander.

Sobra ang pasasalamat ni Alexander sa warm welcome at malakas na sigawan ng fans nang tawagin na siya para kumanta. May mga nagbigay pa ng gifts sa kanya.

Nasaktan lang ng konti si Alexander at sa kuwento nito, habang nagsasalita siya ng “Be careful,” natamaan siya ng microphone at dumugo ang upper lip. Hindi napigil ng guards ang tulakan ng fans.

Kiko binibigyan ng allowance ang ina

Learning experience para kay Kiko Estrada ang makaeksena si Dennis Trillo sa Mulawin vs. Ravena sa rami ng natututunan nito.

Pinansin din nito ang pagiging professional at team player ni Dennis and in fact, lahat ng cast ay team player, walang iniiwan at may team work sa kanila. Kaya siguradong mami-miss ni Kiko ang ang co-stars niya at lahat ng involved sa show ‘pag nagtapos na ito.

Kaaliw si Kiko dahil kahit may kaya ang napangasawa ng inang si Cheska Diaz, binibigyan pa rin niya ito ng allowance every month. Hindi na sinabi ni Kiko kung magkano ang binibigay niyang allowance sa ina, ang importante ay may share ito sa talent fee niya at naa-appreciate ito ng mom niya. Hindi na niya kailangang bigyan ng allowance ang amang si Gary Estrada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with