^

PSN Showbiz

Vic at Pauleen babae ang panganay!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Unti-unti nang bumabalik ang sigla sa Resorts World Manila nang pinuntahan namin ito noong kamakalawa ng gabi para panoorin ang Miss Global Philippines 2017.

Sabi ng ilang nakausap naming nagtatrabaho sa isang restaurant, talagang apektado raw sila dahil 14 days silang sarado at noong magbukas naman ay hindi gaanong matao.

Pero noong daluhan namin ang Miss Global Philippines 2017 sa Newport Theater. Halos puno ang theater dahil sa mga sumuporta sa 22 candidates na sumali sa pageant.

Wagi sa titulong Miss Global Philippines 2017 ang early favorite na si Mary Ann Mungcal, 1st runner-up si Rowena Sasuluya, 2nd runner-up ang fitness blogger na si Jacqueline Mayoralgo, 3rd runner-up si Mae Patano, at 4th runner-up si Fina Galupa.

PAK: Napapansin na nga raw nina Sen. Bong Revilla at Cavite Mayor Lani Mercado ang kakaibang saya ngayon ng anak nilang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla lalo na kapag kasama si Jodi Sta. Maria.

Tumanggi si Mayor Lani na sagutin kung nagkabalikan na ang dalawa, pero masaya raw siya dahil nakikita niyang masaya ang kanyang anak.

Sabi niya, “I am happy that he is happy. He’s inspired and mukhang may pag-ibig na naman sa kanyang puso.

“Lagi ko naman sinasabi sa mga anak ko na, kapag kayo, kayo eh.

“Love will find a way.

“Kahit anong hadlang ng mga taong nakapaligid, ng sitwasyon, idasal n’yo lang. Kung kayo talaga, kayo talaga.”

BOOM: Sa Facebook account ng Eat Bulaga inilabas ang announcement na baby girl ang ipinagbubuntis ni Pauleen Luna.

Masaya ang pag-reveal ng mag-asawang Vic at Pauleen kung saan meron silang kinaing lollicakes at pink ang nasa loob nito.

May kanya-kanyang hula ang Dabarkads na tinawag nilang Team Lebron kung baby boy at Team Jessica kung baby girl.

Naging biruan daw kasi nila na kung boy, Lebron ang name at kung girl ay Jessica para tatawagin nila itong Ms. Jessica Sotto.

Masaya si Pauleen dahil maayos naman ang pagbubuntis niya na nasa ika-apat na buwan na.

Pinag-iisipan na raw niyag mag-leave sa Eat Bulaga kapag malapit na ang kanyang panganganak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with