Show ni Juday nalagasan agad ng P1 million

MANILA, Philippines - Itinanghal na unang Babynaryo ng Bet On Your Baby si Baby Mela, ang anak nina Jason Francisco at Melai Cantiveros, noong nakaraang weekend at nag-uwi ng P1 milyon grand prize.

“Thank you Lord. Grabe Ms. Juday, hindi namin ine-expect ito. Thank you po sa pag-invite sa amin,” agad na nasabi ni Melai sa host ng show na si Judy Ann Santos-Agoncillo matapos mabasag ng asawang si Jason ang baboy na naglalaman ng jackpot.

Nang tanungin kung ano ang gagawin nila sa premyo, ididiretso umano nila ito sa ipon ng mga bata.

“Ang 50% ay ihuhulog sa bank account ni Baby Mela and Baby Stella tapos iyong iba para rin sa edukasyon at future nila,” paliwanag ni Melai.

Unang nagkakilala sina Melai at Jason sa loob ng Pinoy Big Brother house kung saan nabuo ang kanilang loveteam na Melason. Nagsimula ang magandang pagtitinginan nila sa Bahay ni Kuya, mas lumalim pa noong bumalik sila sa outside world, hanggang sa nauwi na sa kasal ang kanilang pagmamahalan at ngayo’y nakabuo na ng sarili nilang pamilya.

Sino pa kaya ang celebrity toddlers na maglalaro ngayong linggo? May sumunod kaya agad sa yapak ni baby Mela?

Huwag palalampasin ang Bet On Your Baby tuwing Sabado at Linggo sa ABS-CBN.

Show comments