Wilson Flores na-feature sa Chinoy TV

MANILA, Philippines -  Itinampok ang 13-time CMMA/3-time Palanca awardee na PhilStar columnist, college professor, reality entrepreneur at may-ari ng Kamuning Ba­kery Café na si Wilson Lee Flores sa Chinoy TV show nina Gretchen Ho, Valerie Tan at Nicole Cordoves ng ABS-CBN sa News Channel (ANC)  noong Abril 29.

Mula 2013, si Wilson ay nakapagbigay na ng apat na pampublikong school buildings sa mga bar­yo bilang suporta niya sa civic project na Operation Barrio Schools ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc (FFCCCII).

Naniniwala si Flores na ang pagpapabuti sa pampublikong edukasyon ng kabataan ay pina­ka­mabisang paraan para isulong ang panlipunang pagbabago at makatulong sa mga mahihirap sa buong Pilipinas.

Binuhay muli ni Wilson Lee Flores ang 78-taong, pugon-style Kamuning Bakery Café sa Judge Jimenez St., Quezon City at siya ay nakapanayam ng mga lokal at banyagang media, kasama na ang mga TV interviews ng mga celebrities tulad nina Jessica Soho, Kris Aquino, Anne Curtis, Marian Rivera at iba pa.

Show comments