Daniel nasapawan daw si Kathryn sa Can’t Help…

SEEN: Kung somebody si Kris Aquino sa Pilipinas, nobody siya sa USA kaya hindi uubra sa Hollywood ang pagiging “tactless” niya.

SCENE: Ang pag-amin ni Kris Aquino na dalawang beses siya na nakaranas ng rejection (ABS-CBN at GMA-7) pero hindi pa siya natuto ng leksyon tungkol sa humility.

SEEN: Hindi lamang si Manila City Mayor Joseph Estrada ang nagdiwang kahapon ng kaarawan dahil April 19 din ang birthday ng kanyang low profile na anak na si Joma Ejercito na nagtatrabaho sa New York.

SCENE: Pinili ni Aubrey Miles na magbakasyon sa Palawan kaya pinalitan siya ng ibang aktres sa isang importanteng role sa Encantadia.

SEEN: Lumipad sa Amerika si Jericho Rosales at ang kanyang misis na si Kim Jones pagkatapos ng presscon ng Luck at First Sight noong Martes.

SCENE: Pumalo na sa P100 million ang box office gross ng Can’t Help Fallin in Love dahil sa word of mouth na entertaining ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

SEEN: Ang comparison na mas magaling umarte si Daniel Padilla kesa kay Kathryn Bernardo. Daniel Padilla is Daniel Padilla.

SCENE: Mababang uri ang fans nina Marian Rivera at Heart Evangelista na nag-aaway at pinag-aaway ang dalawa dahil lang sa isang T-shirt na hindi Philippine made. #Katsipan

SEEN: Magkasabay ang playdate sa May 10 ng Our Might Yaya ni AiAi delas Alas at Bliss, ang suspense-thriller movie ni Iza Calzado.

Show comments