Kim naninibago sa comments ng fans nila ni Gerald

May bulung-bulungan na mabubuwag na diumano ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim o mas kilala sa tawag na KimXi. May kanya-kanyang ginagawang proyekto ang dalawa kaya pansamantalang hindi nagkakatambal ngayon.

“Wala pa eh, marami siyang movies ngayon. So ayun,” nakangiting bungad ni Kim.

Magbibida ang aktres sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin kung saan muling makakatambal ni Kim ang dating kasintahan na si Gerald Anderson. Si Xian ang sinasabing pinakamalapit na lalaki kay Kim kaya pinagseselosan daw ng aktor si Gerald ngayon.

“Selos? Hindi naman, naiintindihan niya ‘yun. Magkasama pa rin naman kami (ni Xian) off cam. Okay pa rin naman kami. Nagba-bonding kami,” paglilinaw ni Kim.

Natutuwa ang dalaga dahil patuloy silang sinusuportahan ni Gerald ng kanilang mga tagahanga.

“Nakakapanibago kasi no’ng time namin ni Gerald, wala pang Twitter, walang Facebook, walang Instagram. So parang nakakapanibago na makabasa ng mga gano’ng mga Kimerald comments. Iba, iba pa rin talaga ang suporta nila,” pagbabahagi ni Kim. Makakasama rin nina Kim at Gerald sa Ikaw Lang Ang IIbigin sina Jake Cuenca at Coleen Garcia.

Kiana at Sam first time magpe-perform bilang magdyowa

Aktibo na rin ngayon sa show business ang anak ni Gary Valenciano na si Kiana. Malaki ang naging impluwensya ng ama sa dalaga kaya pinagbubutihan din ni Kiana ang pagkanta.

“I think music kasi I grew up with that talaga and this is part of who I am. But the interest in fashion will continue to grow pa rin,” pahayag ni Kiana.

Kasintahan ngayon ng singer si Sam Concepcion at sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatanghal daw sina Kiana at ang binata ng magkasama sa nalalapit nilang U.S. tour kasama ni Mr. Pure Energy.

“Excited and nervous. Kasi we haven’t done that before. I mean, we have pero best friend ko pa lang si Sam (noong time na ‘yon). But now it’s exciting kasi we get to travel and I’m thankful siyempre with my parents kasi they always give their full support to me,” pagbabahagi ni Kiana.

Nagpapasalamat din ang dalaga sa kanilang mga tagahanga ni Sam dahil suportado rin ng mga ito ang kanilang relasyon.

“Ako hindi ako sanay sa mga love team, kasi most of my past relationships are kept in private. But it’s nice to know that there are people who support our relationship and I kind of like it,” pagtatapos ni Kiana.  

 

Show comments