Magpakailanman, pinataob ang katapat na programa!

MANILA, Philippines -  Iba talaga ang Magpakailanman dahil masyado nilang ginagalingan sa lahat ng istoryang fini-feature nila.

Sa recent episode kasi nito last Saturday (March 18), hindi raw maitago ng mga netizens ang maiyak sa nakakaantig na kuwento ni Erwin Dayrit, isang lalaking may Osteogenesis Imperfecta o isang inborn na sakit na unti-unting nagpaparupok at umuubos sa buto ng tao hanggang sa hindi na ito makakilos. Ngunit mas kinabiliban siya nang makita ang kanyang husay sa pag-pinta at pag-guhit sa kabila ng kanyang kapansanan. 

We have a feeling na kahit ang katapat nitong programa ay naiyak rin sa resulta ng TV ratings dahil saksi kami sa mga taong sumubaybay sa kuwentong ito ng programa ni Ms. Mel Tiangco dahil sa social media palang ay grabe na sila sa pag-e-express ng kanilang emosyon. Mas lalo pang bumilib ang viewers sa husay ni Erwin nang bigyan nito ng isang portrait si Mel bilang simbolo raw ng kanyang pasasalamat.

Show comments