Jessy sinisisi na mahina sa takilya ang Extra Service!, Horror movies may salpukan!

SEEN: Mahina ang Extra Service dahil may mga sinehan na limitado ang screening ng pelikula nina Arci Muñoz, Coleen Garcia, at Jessy Mendiola. Si Jessy ang sinisisi ng bashers niya sa hindi magandang resulta ng Extra Service sa box-office.

SCENE: Hindi napantayan ni Awra Briguela ang performance niya bilang Dionisia Pacquiao sa pilot telecast ng Your Face Sounds Familiar Kids. Bigo si Awra sa kanyang so-so impersonation kay Daniel Padilla sa episode ng Your Face Sounds Familiar Kids noong Sabado.

SEEN: Pinaluha ng Justice for John Earl episode ang viewers ng Magpakailanman ng GMA-7 noong Sabado. Lumakas ang panawagan na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng battered child na si John Earl.

SCENE: Must see horror movie ang Ilawod dahil pinatunayan ng direktor na si Dan Villegas na hindi lamang mga romantic comedy movie ang forte niya.

SEEN: Dalawang horror movie na Tagalog ang magsasalpukan sa takilya sa January 18, ang Ilawod ng Quantum Films at Darkroom ng Viva Films. Hindi umabot sa deadline ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 ang Ilawod dahil naapektuhan ang shooting nito ng magkakasunod na bagyo.

SCENE: Ngayong gabi ang Governor’s Ball ng 65th Miss Universe sa SMX Convention Center. Black-tie dinner ang Governor’s Ball at ito ang pagkakataon na makakahalubilo ng mga invited guest ang 87 official candidates ng Miss Universe.

SEEN: Kakantahin ni Jona sa Governor’s Ball ang theme song ng Miss Universe 2016.

SCENE: Ang Miss Universe Organization ang maglalabas ng official announcement tungkol sa mga invited performer sa grand coronation ng Miss Universe sa January 30. Sasabihin ng MUO ang line up pagkatapos ng courtesy call ng mga kandidata kay President Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace sa January 23.

Show comments