Bidang aktres na ayaw magpa-make-up, tomboy?!

Pinag-uusapan ang isang aktres tuwing may taping ang show na kinabibilangan niya dahil laging isyu ang make-up. Hirap na hirap ang make-up artist ng show na kumbinsihin ang aktres na magpa-make up dahil ayaw daw nito. Ang dami nitong alibi tuwing tinatawag na para lagyan siya ng make-up.

Akala ng make-up artist, mababago niya ang isip ng aktres at papayag magpa-make up kahit man lang sa mga eksenang kailangan siyang lagyan ng kolorete sa mukha, pero bigo ito. Kinakantyawan ang make-up artist na lagi siyang epic fail sa pagkumbinsi sa aktres.

Ang nangyayari tuloy, lumalabas pang mas maganda ang supporting star na kasama sa show na madalas kaeksena ng bidang aktres kesa sa kanya. Nagiging plain looking ang aktres ‘pag katabi ang supporting star na game magpa-make-up.

Tanong tuloy ng mga kasama ng aktres kung tomboy ito dahil hate ang mag-make-up. Nadagdagan ang pagdududa ng co-stars ng aktres dahl ilang beses nilang narinig na “dude” ang tawag sa mga kasama sa trabaho kahit babae.

Ang ipinagtataka ng staff ng show ng aktres, bakit ‘pag naggi-guest ito sa ibang show, kuntodo make-up ito at pumapayag na magsuot ng sexy attire at costume. Hindi kaya ayaw lang ng aktres sa make-up artist ng kanyang regular show?

Serye nina Alden at Maine heavy drama

As of last week, Beyond the Clouds at hindi ang kumalat sa social media na Hiling ang title ng teleserye ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza. Kaya lang, baka ma­palitan pa ito na parang dra­mang-drama ang dating sa amin ng Beyond The Clouds at hindi pang-rom-com.

Babae rin daw ang magi­ging director ng teleserye nina Alden at Maine at tuloy pa rin ang paghahanap ng network ng bubuo sa cast na babagay sa magka-loveteam.

Kung excited ang fans, excited din si Alden na muling gumawa ng teleserye. Matagal na siyang napahinga sa serious acting at pawang pagpapakilig ang ginagawa.

As for Maine, excitement at nerbyos siguro ang nararamdaman nito lalo na sa first taping day dahil hindi pa sanay umarte.

Early next year ang sinasabing airing date ng teleserye nina Alden at Maine at isa sa new shows na pambato ng network.

Miss U ayaw gastusan ng pamahalaan ng baguio

Habang papalapit ang Miss Universe, patuloy daw ang paglabas ng mga isyu tulad ng ayaw ng ibang taga-Baguio na gumastos ang lokal na pamahalaan ng P40-M.

Sana hindi ito problemahin ni Binibining Pilipinas-Universe Ma­xine Medina, mag-focus na lang siya sa paghahanda at hayaan ang DOT at si Mr. Chavit Singson ang lumutas sa mga ganitong problema.

Show comments