^

Robin kabado kay Aljur para kay Kylie

WELL-BEING - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2016 - 12:00am

Hindi na afraid si Aljur Abrenica kay Robin Padilla. Katunayan, handa na niyang harapin ito hinggil sa naging balikan nila ng anak nitong si Kylie Padilla.  Batid naman ng lahat na hindi boto si Robin kay Aljiur para kay Kylie at baka nababahala na ito dahil sinasabing mas intense ngayon ang relasyon ng dalawa.

Handa si Aljur na makipagkita kay Robin anumang oras na gustuhin nito para mabig­yang linaw ang intensyon niya kay Kylie.

TJ kabi-kabila agad ang raket

Kapamilya na rin si TJ Trinidad. It seems he’s in good hands as far as his career is concerned. Ewan lang kung si Annabelle Rama pa rin ang kanyang manager?

Kasama agad siya sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano at nakatakdang makabilang sa isang proyekto sa TV kasama sina Bea Alonzo, Iza Calzado, at Ian Veneracion. Natapos na rin niya ang indie film na Working Beks na istor­ya ng limang bakla. Ang role niya rito ay isang corporate gay na hindi nakuha ang promos­yon nang malaman ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na bakla pala siya.

Pasikretong libing siguradong hindi rin nagustuhan ni FM

Bakit kaya binigla ang libing kay dating pangulong Ferdinand Marcos? Natatakot ba sila na kung may anunsyo ay baka hindi matuloy ang libing? I’m sure maski na si G. Marcos ay hindi magiging masaya, kung nasaan man siya sa gi­na­wang pagsisikreto ng libing niya. 

Dingdong grabe pa ring maglambing kay Marian

Ibang klase pa rin ang charisma ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes dahil sa pagpapakilig niya on-screen at off-screen. Habang maraming umiidolo sa kan­ya dahil sa husay ng pagganap niya bilang Pepe sa Alyas Ro­bin Hood, napukaw din niya ang puso ng kanyang followers dahil sa pag-post nito ng picture ng billboard ng asawang si Marian Rivera na nadaanan niya habang bu­mibyahe.

Kalakip ng picture na iyon ang caption na, “Nakaka-good vibes naman ‘tong mukhang ito. Can someone introduce me to this mo­del?” Kahit mag-asawa na ay parang nagliligawan pa rin ang Kapuso royalties kaya naman marami ang kinilig at nainggit sa klase ng relas­yon nilang dalawa at itinuturing silang #RelationshipGoals.

ALJUR ABRENICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with