Jennylyn mag-iibang anyo

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, ang kontrobersyal na former commissioner na si Layla D. ang bibisita at makikigulo sa Superstar Duets. Abangan ang production number ni Layla D. kasama ang mga miyembro ng U.P.M. o Unyon ng Patay na Mang-aawit.

Tutukan din ang performance ng tambalan nina Joross Gamboa at ang lead vocals ng bandang Queen na si Freddie Mercules.

Huwag palampasin ang madamdaming duet nina Rita Daniela at ng nagpasikat ng kantang Dance with my Father na si Luther Vandolph.

At abangan ang tandem nina Jerald Napoles at ang isa sa greatest male singer of all time na si Punk Sinatra.

Kaabang-abang din ang pag-iibang anyo ng ating mga super judges na sina Allan K., Aicelle Santos, at Christian Bautista at ang pagta-transform ni Jennylyn Mercado into WonderJen.

Tutukan lahat yan sa Halloween special ng nag-iisang biritawanang musical celebrity competition ang Superstar Duets, ngayong Sabado pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.

Show comments