Baguhang si Jelay maglalabas ng single

MANILA, Philippines – Pumirma ng kontrata ang baguhang si Jelay Espino kasama ang kanyang inang si Bing Espino sa sikat na composer na si Vehnee Saturno.

Maglalabas ng kanyang unang CD single si Jelay entitled Huwag mong Biruin, na kinompos ni Vehnee.

Si Jelay ay 14-year-old, high school student sa San Beda College. Nakapag-acting workshop na siya at ngayon ay nagbu-voice lessons.

Show comments