^

PSN Showbiz

Angel pumiyok sa third party nila ni Luis!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa general presscon ng bagong Star Cinema offering na The Third Party, tinanong namin ang tatlong lead stars ng pelikula na sina Angel Locsin, Sam Milby at Zanjoe Marudo kung may naging “third party” sa break-up nila sa kani-kanilang mga ex-partner.

Wala raw thirty party kina Sam at Zanjoe habang si Angel naman ay umamin na meron umanong “third party” sa break-up nila ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano. Hindi man nagbanggit si Angel ng pangalan ng third party, agad pumasok sa isipan ng mga dumalong entertainment media si Jessy Mendiola, na bagong karelasyon daw ngayon ng binata ng estranged couple na sina Rep. Vilma Santos at Edu Manzano. 

Ibang-iba ang aura ngayon ni Angel, isang indikasyon na naka-move on na siya sa second (and final) break-up nila ni Luis.

Samantala, pare-parehong masaya sina Angel, Sam, at Zanjoe na nagkasama silang tatlo sa isang pelikula under Star Cinema.

Nakatrabaho ni Angel si Sam sa isang Maalaala Mo Kaya (MMK) episode na pinamagatang Pilat at nasundan sa local TV remake ng Korean telenovela na Only You. Si Zanjoe naman ay nakasama na ni Angel sa isang hit movie, ang One More Try na naging entry ng Star Cinema sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF). Sina Sam at Zanjoe naman ay nagkatrabaho na sa isang romantic-comedy movie na You Got Me with Toni Gonzaga na idinirek ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina in 2007.

Na-cute-an kami sa trailer ng pelikula dahil napaka-unconventional ng pagkakaroon ng third party sa relasyon nina Sam, Zanjoe at Angel. Ang romantic-comedy na The Third Party ay idinirek ni Jason Paul Laxamana. Si Direk Paul ay siya ring nag-direk sa hit movie ng Regal Films na Love Is Blind at indie movie na Babagwa at Mercury is Mine.

Beauty may trabaho pa rin kahit may anak na

Ang buong akala noon ng ex-PBB housemate na si Beauty Gonzalez ay tapos na ang kanyang career nang siya’y biglang um-exit sa teleseryeng Ningning dahil siya’y nagdadalang-tao sa kanyang baby na si Olivia courtesy of her boyfriend na si Norman Crisologo. Pero hindi ganoon ang nangyari dahil patuloy siyang pinagkatiwalaan ng ABS-CBN at Star Cinema ng mga project. After giving birth to her first born na si Olivia, agad isinama si Beauty sa hit romantic-comedy movie na Achy Breaky Hearts at ngayon sa soon-to-be-released movie ng Star Cinema na The Third Party.

Natutuwa rin si Beauty na supportive sa kanyang showbiz career ang kanyang businessman-boyfriend.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with