Pinoy Comic Artist superstars makakasama ni Kuya Kim

MANILA, Philippines - Makikilala ni Kuya Kim Atienza nga­yong Linggo sa Matanglawin ang ilan sa mga tanyag na Pinoy comic ar­tists sa kan­yang pagbisita sa Asia Pop Comic Con (APCC).

Si Whilce Portacio ay matagal nang comic artist ng Marvel Comics, kung saan nilikha niya ang karakter na si Bishop na miyembro ng X-Men.

Makikilala rin ni Kuya Kim ang mangguguhit ni Green Lantern at Green Arrow ng DC Comics na si Harvey Tolibao bukod pa sa ibang comic artists, cosplayers, at anime fans.

Kilalanin din si Rix Francisco, ang World Record holder sa pagkain ng Quarter Pounder sa loob ng isang minuto.

Mapapanood ang lahat ng ito mamaya sa Matanglawin, 10 a.m. sa ABS-CBN sa free TV, ABS-CBN HD Ch. 166 sa SKYCable, at www.iwantv.com.ph online.

Show comments