Makalipas ang 20 taon: Kris nagpaalam na sa ABS-CBN

Nagpaalam na ang tinaguriang Queen of all Media na si Kris Aquino sa ABS-CBN na naging tahanan niya ng 20 taon. Philstar.com/AJ Bolando, file

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Kris Aquino ang kaniyang paglisan sa Kapamilya network makalipas ang dalawang dekada.

Nagpaliwanag ang “Queen of all media” sa kaniyang Instagram account kung saan sinabi niyang walang nang maibigay sa kaniya ang ABS-CBN ng timeslot mula nang magpahinga siya.

"Our agreement was we'd talk when I got back. That is the risk of taking time for yourself—when you come back there's no guarantee that a space will be held for you," nakasaad sa caption ng larawan.

BASAHIN: Kris pinakawalan na ng ABS-CBN, hawak na ng manager nina Marian at Maine!

"We spoke in July but there was no definite show (and) no assured time frame of my return on air. I perfectly understood—as much as I wanted to believe I was a pillar of the network, everybody is dispensable. And I say that with no bitterness - just HONESTY,” dagdag niya.

Sa ikalawang post niya ay hindi kinumpirma ni Kris kung totoo ang mga napaunang balita na lilipat siya sa GMA 7, ngunit nabanggit niya na nakipag-usap ang kaniyang manager at matalik na kaibigan na si Boy Abunda kay Tony Tuviera ng APT na nasa ilalim ng TAPE Inc. na may hawak din sa longest running noontime show na "Eat Bulaga."

Sa huli ay tiniyak niyang walang gusot sa kaniyang pag-alis sa ABS-CBN na pinasalamatan din niya.

Show comments