Langis na nakakapagpatubo ng buhok tampok sa GRR

MANILA, Philippines – Marami sa mga Kapuso natin ang nawawalan na ng pag-asa dahil sa problema sa kanilang mga buhok. Ang iba ay dahil sa sakit na Alopecia kaya naman nakalbo na. Ilang mga letter senders na humingi ng tulong kay Ricky Reyes ay mabibigyan ng lunas dahil sa wig na ka-ibig ibig ni Mother.

Nadiskubre ng Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) ang isang herbal oil na nagpapagaling umano ng ilang karamdaman. Ang Krystall Herbal Oil ay imbensyon ni Fely Guy Ong na mayroong pilosopiya na ang kalusugan ay mula sa kalikasan at natural healing sa pamamagitan ng alternative medication.

Itinatag nIya ang FGO Herbal Foundation, Inc. na may advocacy na bukod sa makakagaling ay makakatulong din.

Samantala, naging daan nga ba ng pagsikat ng ilang Kapuso hunks ang pagganap nila sa mga gay role? At sa Showbiz Express ni Aster Amoyo, binisita ang taping location ng pagbabalik ng horror comedy film Mang Kepweng Teturns kasama ang ilang Kapuso stars.

Lahat ito ay ibabahagi ng host na si Ricky Reyes sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado (August 27) 9-10am sa GMA News TV.

Show comments