Sinisitsitan na lumipat ng network Korina hindi na raw masaya sa Kapamilya, Toni at Direk Paul nakaka-isang taon na anak ni Andi nakipag-bonding sa ‘daddy’
(Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2016 - 12:00am

SEEN: Maligaya si Paolo Ballesteros dahil dalawang pelikula ang gagawin niya, kahit anim na buwan ang suspension niya sa Eat Bulaga. Bida si Paolo sa Die Beautiful at Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend?

SCENE: Ang Working Beks ang biggest movie break ni Prince Stefan. Hindi na kailangan ni Prince ng acting workship para sa bagong project niya sa Viva Films.

SEEN: Biktima ng bashing ang has-been comedienne/singer na si Cynthia Patag dahil sa walang sawa na pagbatikos niya kay President-elect Rodrigo Duterte

SCENE: Ang balita na hindi na happy si Korina Sanchez sa ABS-CBN kaya hinihiling ng kanyang fans na lumipat siya sa ibang television network.

SEEN: Ipinagdiwang kahapon nina Toni Gonzaga at Paul Soriano ang first wedding anniversary nila. I would marry you all over again ang anniversary message ni Toni sa asawa niya.

SCENE: Ang “father and daughter” bonding nina Jake Ejercito at Ellie Eigenmann, ang anak ni Andi. Si Jake ang napagkakamalan na biological father ni Ellie dahil sa kakaibang fondess niya sa anak ni Andi.

SEEN: Namatay agad ang isyu ng mga rebelasyon ni Keanna Reeves sa mga aktor na natikman niya dahil marami ang natsipan sa kanyang publicity stunt.

SCENE: Napag-uusapan na lang si Angel Locsin dahil sa mga komento niya tungkol sa ibang mga artista.

BULACAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with