Kiray si Enchong naman ang susubukan!

Parang kailan lang nang ibalita ni Mother Lily Monteverde at ng kanyang anak na si Roselle Monteverde na bibigyan nila ng launching movie si Kiray Celis.

Malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang I Love You To Death, ang biggest movie break ni Kiray na nakakaramdam na ng matinding pressure dahil nakasalalay sa kanila ni Enchong Dee ang box office success ng pelikula.

Certified blockbuster ang Love Is Blind, ang pelikula nina Kiray, Derek Ramsay at Solenn Heussaff. Pinuri ang acting ni Kiray at marami ang nagsabi na ready na siya para magkaroon ng solo movie.

Masusubok sa I Love You To Death ang hatak ni Kiray sa masa dahil magkakaalaman na kung talagang tanggap na tanggap na siya ng Pinoy mo­viegoers. May kissing scene sa I Love You To Death sina Kiray at Enchong.

Unang nagkaroon ng kissing scene si Kiray kay Derek Ramsay sa Love Is Blind. Kilig na kilig si Kiray nang magkuwento ito tungkol sa paghalik sa kanya ni Derek.

At bilang si Enchong ang pangalawang mhin na nakahalik sa kissable lips ni Kiray, tiyak na tatanungin ito kung sino kina Derek at Enchong ang good kisser. Knowing Kiray, kikiligin na naman siya dahil karangalan na makahalikan niya ang mga mhin na pinagpapantasyahan ng gays and girls.

Julie Anne napa-emote pagka-graduate

Congrats kay Julie Anne San Jose dahil natupad na ang dream niya na makatapos ng college course, ang Bachelor of Arts in Communication Arts.

Magandang ehemplo si Julie Anne sa mga kabataan dahil nagawa niya na pagsabayin ang pag-aaral at ang kanyang mga showbiz commitment. Walang ipinagkaiba si Julie Anne sa mga working student na ginawang umaga ang gabi para magkaroon sila ng college diploma.

Alam natin na favorite si Julie Anne ng mga basher pero kahit ano’ng pagbatikos ang kanilang gawin, sila ang mapapahiya dahil may napatunayan sa sarili ang singer-actress.

Kahapon ang graduation day ni Julie Anne sa Angelicum College at hindi niya napigilan na mag-emote.

“And there was everything. Sleepless nights, fatigue and even disappointments, but those were transient emotions brought by much studying and lack of rest sometimes.

“I’ve realized it’s okay to admit I wasn’t perfect, I was struggling. I’ve juggled work and studies, yet managed to survive. I definitely have to say that it’s all worth it.

“As I went through four and a half years, I’ve learned that it pays not to worry so much about where you ranked but rather think about the joy you get with what you do.

Life doesn’t offer us a smooth path.

“There will always be tough times, regrets and failures as well as success, reward and happiness.

“Before closing this chapter, it’s pertinent to thank the people who continue to inspire me.

“My family who raised me, for the guidance and unconditional love; my friends and peers, for joining me in the fight for life, and making all efforts fulfilled; my professors and teachers, for imparting profound wisdom; and lastly, God for the blessings and the wonderful gift of knowledge.

“It’s been a long road but with hard work and patience, anything is possible. This is certainly a huge milestone... The tassel’s worth the hassle.”

Show comments