Jaclyn Jose nasa Tunay na Buhay

MANILA, Philippines - Bukas Miyerkules, tampok sa Tunay na Buhay si Kapuso actress Jaclyn Jose.

Kilala sa kanyang galing sa pag-arte sa telebis­yon man o sa pelikula, ginawaran kamakailan si Jaclyn ng  Best Actress award ng prestihiyosong Cannes Film Festival sa France.

Ang ina ng aktres na si Andi Eigenmann ay nagwagi sa kanyang pagganap sa pelikulang Ma’ Rosa ng batikang direktor na si Bri­llante Mendoza.

Samahan si Rhea Santos ngayong Miyer­kules upang tuklasin ang kuwento ng buhay at tagumpay ni Jaclyn sa Tunay na Buhay, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Show comments