Mga anak ni VP Leni mapapakanta para kay Marian

MANILA, Philippines – Kahit tapos na ang eleksiyon, sikat pa rin sila ngayon!  Kilalanin ang mga sikat na ngayong kamag-anak ng mga kandidato nitong nakaraang 2016 Elections – ang mga anak ni Presumptive Vice-President Leni Robredo na sina Aika, Tricia, at Jillian at ang hunk pamangkin ni Senator-Elect Risa Hontiveros na si Luis Hontiveros.  Ibubuko na ang mga dahilan kung bakit sila agaw-pansin at pinag-uu­sa­pan – mapapa-chika at mapapakanta ang Robredo sisters, samantalang bibig­yan naman ni Luis ng running man challenge sina Marian at Boobay.  Lahat ‘yan ngayong Miyerkules sa Yan Ang Mor­ning, 10:45 AM sa GMA.

 

Show comments