^

PSN Showbiz

Kaya isang buwan nawala aktres tatlong beses nagpa-lipo, Heart gusto nang matapos ang kampanya para magka-baby na

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang mag-inang AiAi delas Alas at Sancho Vito ang special guest ni Ma­­rian Rivera sa pilot episode ng morning show niyang Yan ang Mor­ning! na magsisimula na bukas ng 10:45 ng umaga.

Ito ang episode na sobrang na-enjoy ng audience dahil sa rami ng regalong ibi­nigay ni Marian sa kanila.

Suportado ang GMA Primetime Queen ng mga sponsor niya kaya bumaha ng mga produkto sa pilot episode na ipinamigay lahat ni Ma­rian.

PAK: Halos isang buwang nawala ang magaling na aktres dahil nasa bahay lang ito at nagpapagaling.

Ang tsikang nakarating sa amin, tatlong beses na nagpa-lipo ang magaling na aktres para pumayat siya nang bonggang-bongga.

Ang dinig namin, siya ang ilu-launch na bagong endorser ng isang beauty clinic. Kaya dapat pa­yat-payatan siya.

Sa totoo lang, may nakita na kaming post sa kanyang social media account na kitang mala­ki ang kanyang ipinayat. Pero ang gusto niya, paglabas at pagharap sa lahat ay payat na talaga na ikabibigla ng lahat.            

Malamang aaminin naman siyang nagpa-lipo, pero ewan ko lang kung sasabihin niyang dumaan siya sa matinding sipsipan ng taba, dahil ang dami raw talagang tabang tinanggal sa kanya.

BOOM: Inatake si Heart Evangelista ng asthma nang makatsikahan namin sa Albay kamakalawa ng gabi kung saan isa siya sa mga judge ng Daragang Magayon.

Halatang pagod na ito dahil all-out ang suporta niya kay Sen. Chiz Escudero na todo rin ang pag-iikot sa kampanya.

Sabi naman ni Heart, na-enjoy niya nang husto ang pag-iikot lalo na ‘yung mga palengke tour niya, pero aminado siyang hindi talaga linya ang pulitika.

Aniya, “It’s more complicated than I thought. I must say medyo…hopeful ako pero…basta ayokong maging politician. Ganun na lang siguro ‘yun.”

Pagkatapos daw ng eleksyon, gusto niyang mag-focus na sa bagong rom-com series niya sa GMA 7 na Juan Happy Love Story, at baka magbakasyon sila ni Sen. Chiz.

Gusto raw niya kasi maayos na lahat, dahil kapag natapos na ang ipinapatayo niyang bahay, baby na ang kasunod.

“Gusto ko kasi tapusin ‘yung bahay ko siyempre, para everything is in place bago ako magkaroon ng baby. Para maayos ko ‘yung kuwarto niya ganyan. I want to plan everything kasi,” dagdag na pahayag ni Heart.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with