^

PSN Showbiz

Showbiz couple atat nang aminin ang kanilang relasyon!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kinorek kami ng aktres sa nasulat naming dalawang beses na silang nagpaalam ng kanyang actor boyfriend sa network kung saan sila nakakontrata kung puwedeng aminin na nila ang kanilang relasyon. Sabi ng aktres na nakausap namin sa presscon ng soap na kinabibila­ngan niya, tatlong beses na silang nagpapaalam ng BF sa management.

Lagi nga lang denied ang kanilang pagpapaalam at ayaw pa silang payagang gawing public ang kanilang relasyon.

Ang maganda lang, hindi naman sila pinagbabawalang ma­gka­sama kahit sa mga public places at hindi rin bawal mag-post ng pictures sa social media na magkasama sila.

Hindi rin naman na­a­pek­­tuhan ang relas­yon ng dalawa kahit wala pang pag-amin dahil ipinapakita ng aktor na mahal niya ang GF. Ipinakilala na niya ang aktres sa kanyang pa­milya at tanggap ito ng sosyaling pamilya ng ina.

Hindi alam ng showbiz couple kung kailan sila papayagang umamin, pero willing silang maghintay at ita-try daw nilang magpaalam uli this year.

KC nagkatrabaho dahil kay Kris

Natutuwa ang fans ni KC Concepcion dahil one week siyang mapapanood sa TV. Guest co-host si KC ka­sama sina Arci Muñoz at Angeline Quinto ni Kris Aquino sa Kris TV next week. Matagal nang hindi napapanood sa TV si KC, kaya good news ito para sa kanyang fans.

Ang hindi pa napapagbigyan ng ABS-CBN na request ng fans ng aktres ay mapanood siya sa ASAP at magkaroon sila ng number ni Piolo Pascual. Hinihintay na bigyan din uli siya ng teleserye at sa kanya ibigay ang role na Darna. Bukod pa ‘yan sa  pagbubukas ng tinatawag niyang online “passion project”, isang online shop.

Regine pinag-aaralan nang hindi kasama ang anak sa trabaho

Sa March 21 na ang pilot airing ng Poor Señorita na pinagbibidahan ni Regine Velasquez at kasama sa line up ng GMA 7 na We Love You MARCH plugging ng network.

Gagampanan ng Songbird ang role ni Rita sa riches to rags story.

Kuwela ‘yung picture ng karakter ni Regine from being yayamanin na naging poor Rita. ‘Yung sa una, LV at Prada bags ang hawak ng karakter niya, pero nang maghirap, plastic bag na lang.

Ina-adjust pa ni Regine hanggang ngayon ang sarili dahil hindi niya makakasama ang anak na si Nate ‘pag nasa taping siya. Ilang taon din naman araw-araw silang magkadikit, pero naintindihan ng ba­gets nang kausapin siya na balik-tra­baho muna siya.

Si Dominic Zapata ang director ng Poor Señorita at ang suwerte ni Mikael Daez kung siya nga ang leading man ni Regine.

Ang Little Nanay ang papalitan ng Poor Señorita na hanggang March 18 na lang pala.

Cesar pahinga muna sa Manipis…

Nakatatawa ang comments sa pag-amin ni Ma­ria Ozawa sa one night stand nila ni Cesar Montano. Wala pa rin daw kupas ang aktor pagdating sa babae at tinawag pa siyang hokage. Wala na nga lang maitago pa ang aktor dahil pati size ng manhood niya, ay binanggit ni Maria.

May mga nagpaalala rin kay Cesar na karamihan sa mga anak niya ay babae at hindi maganda kung makakantyawan na naman ang mga bata dahil sa bago niyang kontrobersiya.

Pasalamat ang fans ni Robin Padilla na nag-backout ito sa movie nila ni Maria dahil kung natuloy, siya ang controversial ngayon. Pinuri tuloy ng netizens si Mariel Rodriguez na isa sa mga rason kung bakit nag-backout sa pelikulang Nilalang si Robin, may foresight daw si Mariel kung ano ang mangyayari.

Wala naman sigurong kinalaman sa Maria Ozawa sa isyu na tsugi na ang karakter ni Cesar sa Bakit Manipis ang Ulap? ang drama series na napapanood sa TV5. Gumanap si Cesar na rich businessman na pinakasalan ni Claudine Barretto.

Sa pagkawala ni Cesar, papasok naman si Ruffa Gutierrez na ipinauna nang tatarayan si Claudine sa mga eksena nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with