Richard at Sarah hindi na nagpapaalaman!

Hanggang ngayon ay wala pa raw balak na pakasalan ni Richard Gutierrez ang partner nitong si Sarah Lahbati. “Siyempre hindi naman tayo makikisabay sa uso, pero sa tamang panahon ‘yung para sa amin ni Sarah,” bungad ni Richard. Hindi rin naman daw nangungulit si Sarah sa aktor tungkol sa pagpapakasal nila. “Wala, alam naman niya, namin pareho na this year nabigyan kami ng opportunities na magkaroon ng magagandang projects. So naka-concentrate kami ngayon sa trabaho. The right time will come,” giit ng aktor.

Abala si Sarah sa teleseryeng Written In Our Stars na malapit na ring mapanood sa Kapamilya network habang si Richard naman ay may serye sa TV5. “Pareho kaming masaya, ‘yon ang pinaka-importante sa lahat. Masaya siya sa ginagawa niya sa ABS, binibigyan siya ng importansya do’n. Ang importante pareho kaming masaya and we support each other,” pagbabahagi ng aktor.

Wala ring problema kay Richard kahit nagpapaseksi si Sarah sa mga production numbers nito sa ASAP. “Natutuwa nga ako, ang gaganda ng mga production number niya, sexy siya. Hindi na naman niya kailangang magpaalam. Alam naman namin ‘yung trabaho namin at kilala namin ang isa’t isa. Wala na kami sa level na nagpapaalam-paalam pa. We understand each other. I’m happy for her na ang gaganda ng prod number niya,” paliwanag ni Richard.

Samantala, masaya si Richard dahil sa mga tagahanga na gustong si Sarah ang gumanap bilang si Darna sa bagong pelikula na gagawin ng Star Cinema. “Oo nga eh, nagti-trending siya lagi. Masaya ako for her and feeling ko talaga, bagay sa kanya ang maging Darna. Tindig pa lang niya, superhero na,” pagtatapos ng aktor.     

Aiko, aminadong fan ni Kim

Masayang-masaya si Aiko Melendez dahil magiging bahagi siya ng teleseryeng The Story of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Ayon kay Aiko ay talagang noon pa raw niya hinaha­ngaan si Kim at gusto ng aktres na makatrabaho ang dalaga. “I’ve always been open about it that I’m a big fan of Kim Chiu. So when they offered this role to me to play the stepmom of Kim, I was really excited and delighted. Kasi dream come true to work with her,” nakangiting pahayag ni Aiko.

Maging ang mga anak na sina Andre at Marthena ay excited na rin daw na muling mapanood si Aiko sa isang serye. “They are very excited to see me. Kasi primetime ‘to and to be working nga with Kim and Xian, they are really excited and I am pretty sure that this is a project that they can watch every night. So excited ako,” pahayag ni Aiko.

Show comments