^

PSN Showbiz

Pauleen inurirat ng pari sa pagsali sa Little Miss Philippines noon!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang daming bata at parang children’s party daw ang simbahan nang ikasal sina Vic Sotto at Pauleen Luna noong Sabado ng gabi sa St. James Church sa Ayala, Alabang ayon sa kuwento ni Nay Lolit Solis. “Nagtatakbuhan talaga sila kasama ang mga yaya,” dagdag ng manager ni Poleng na lumagare sa dalawang kasalan noong Sabado. Nauna siyang nag-ninang sa kasal ng TV reporters na sina Oscar Oida (GMA 7) and MJ Marfori (TV5) sa San Agustin Church. Hindi na siya dumalo sa reception sa Palacio De Maynila na kadalasang gawain niya tuwing magni-ninang. Dumiretso siya sa Ayala, Alabang, sa kasal nga nina Vic at Pauleen.

Kuwento pa ni Nay Lolit, puno ang simbahan dahil ‘yung mga nagsimba ng 5:30 p.m. na scheduled mass ng church ay hindi na naglabasan ng simbahan at hinintay na ang pagsisimula ng kasalan ng 7:30. “Siguro kung umalis ‘yung mga nagsimba, 50% lang ang tao sa simbahan.”

Hindi na raw pinalabas ng organizers kaya naman nagpasalamat ang paring nagkasal sa bagong mag-asawa dahil nga hindi na pinalabas ang mga mukhang mayayamang nakinood at mga yaya at maid sa Ayala, Alabang.

Pero ang ikinaloka ni Nay Lolit ay nang tanungin ng pari si Pauleen sa wedding ce­remony “Nu’ng sumali ka ba sa Little Miss Philippines, sinabi mo ba na ang isa sa mga pangarap mo ay ma­ging Mrs. Vic Sotto.” Tawanan daw ang lahat. “Hindi nga lang binanggit ng pari na bungi-bungi si Pauleen nang sumali sa Little Miss Philippines noon. Hahahaha,” k­uwento pa ng talent manager ni Pauleen. Hindi nakasama ang nasabing part sa wedding video na ginawa ni Jason Magbanua na kumalat sa social media kahapon. Pero ‘yung iyakan at tawanan sa kasalan ay ang gandang lumabas sa nasabing video.

Pero talagang magkakamag-anak lang daw ang nasa kasalan. ‘Yung iba raw ay galing pa ng probinsiya.

Tanging sina Mr. Orly Ilacad ng OctoArts at Mother Lily Monteverde at daughter niyang si Roselle ng Regal Films ang producers na naimbitahan. “Kaya nga comfortable si Bossing. Palakad-lakad siya at natural ang kilos kasi nga sila-sila lang.”

Maging ang GMA 7 president nga kasi na si Mr. Felipe Gozon ay sa kasal nina Oscar at MJ nag-attend bilang isa sa mga ninong.

Anyway, touched daw si Nay Lolit dahil nakita niyang masaya si Pauleen na makita siya sa simbahan dahil common knowledge naman ini-imbyerna niya ang alagang aktres ‘pag nagkukuwento noon tungkol sa kanila ni Vic. Ha ha ha.

Kim bumili ng painting ni Heart

 Tagumpay ang launch ng solo exhibit ni Heart Evangelista na Oceans Apart sa Ayala Museum, featuring a series of pain­tings na nakakapagpaalala raw sa aktres sa kanyang daddy Rey Ongpauco na nagkaroon ng ribbon cutting last Friday night.

Overwhelmed si Heart sa suporta na kanyang natatanggap hindi lamang dito sa bansa, kundi maging internationally.

Last year ay nagkaroon ang aktres ng exhibit sa Singapore na  tinangkilik ng mga Pinoy at maging mga foreigners na umattend sa nasabing exhibit.

Merong painting na nagkakahalaga ng almost a million, depende raw sa laki ng kanyang obra.

Kasama rin sa mga bumili ng painting niya sa latest exhibit ay ang kaibigan niyang si Kim Chiu.

Parang super close sila. Noon ding reception ng kasal ni Heart kay Sen. Chiz Escudero ay present si Kim.

Anyway, ilan sa mga personalidad na pumunta nu’ng Bi­yernes ay sina Chris Tiu at asawa nitong si Clarisse, designer na si Mark Bumgarner, makeup artist na si Albert Kurniawan, Rissa Mananquil-Trillo, Dr. Aivee Teo, Sen. Cynthia Villar, ang kapatid at pinsan ni Heart na sina Cam Ongpauco and Happy Ongpauco-Tiu at ang kanyang insipirasyon, ang kanyang Daddy Rey.

Of course, present din ang husband ni Heart, ang vice-presidential candidate na si Sen. Chiz at ang twins nito na sina Chesi and Quino.

May pinaghuhugutan, Angelica napagod sa relasyon nila ni John Lloyd?! Zanjoe walang napala sa pagtatanong kay Bea

Gusto na lang nga bang manahimik ni Angelica Panganiban sa sinasabing break up nila ni John Lloyd Cruz na finally raw ay natuloy din? Sa episode kasi ng Banana Sundae ay may hugot si Angelica. “Ayoko ng may ka-share. Ayoko na mayroon akong pinagbibigyan ng kalahati ng sarili ko. Ayoko na. Pagod na ako. Simula ngayon ako na lang!” sabi ni Angelica sa ‘hugot class’ portion ng programa.

Maging si Zanjoe Marudo na kasama rin sa Banana Sundae ay nagpakawala daw ng hugot. “Ayoko nang magtanong! Lagi naman akong hindi sinasagot e.”

Ang pagkakaiba nila ni Angelica, si Zanjoe ay umamin kay Tito Boy Abunda na break na nga sila ni Bea Alonzo eh si Angelica walang sinasabi kung ano ba talagang nangyari sa kanila ni John Lloyd.

                                                                                                                                 

 

ACIRC

ALABANG

ANG

AYALA

AYOKO

BANANA SUNDAE

HINDI

MGA

NAY LOLIT

NBSP

PAULEEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with