Gabby at Carla pilit paghihiwalayin

MANILA, Philippines – Isang romantic breakfast set-up ang inihanda kay Andrea (Carla Abellana). May butler pa. Courtesy of Jaime (Gabby Concepcion) na nanunuyo! Pero galit pa rin si Andrea, tinalikuran si Jaime, umalis na raw ito!

Umalis nga si Jaime, at hinabol naman ni Andrea sa car, nagsisisi kung bakit nagpakipot pa. Hindi naman pala umalis si Jaime, bumili lang pala ng taho dahil narinig na naghanap ng taho kanina si Andrea. Lumambot na agad ang puso ni Andrea sa “Hummy” niya. Bati na sila.

Taranta si Andrea nang sabihin ni Jaime na ipapakilala na niya si Andrea nang pormal sa kanyang Mama. But na-convince naman siya ni Jaime to do it.

Magkikita na sana sa resto sina Andrea at Feliza at i-introduce na ni Jaime formally si Andrea kay Feliza.

Pero sa comfort room muna nagkaroon ng encounter, nang nakita ni Feliza si Andrea nagalit kaagad ito. Naalala pa kasi noong si Andrea ay “other woman” pa kuno ni Jaime. Tinarayan agad ni Feliza si Andrea, ininsulto. Umiiyak na umalis si Andrea. Before she left the resto, sinabi sa humabol na si Jaime na hindi niya pa kayang humarap kay Feliza as Jaime’s girlfriend.

Ihahatid ang mga kids sa school, nakita ni Cheska ang mommy nila na naglalakad. Hinabol ito ng mga kids. There was this woman na akala nila si Veronica na pero hindi naman pala. Disappointed ang mga kids.

But sa isang coffee shop, may hinihintay si Clarisse, ang bestfriend ni Veronica. At may dumating, si Veronica. Nagbalik na nga ito! Paano na kaya magwu-work ang relasyon nila kung maraming humahadlang?

Show comments