Dyowa ni Ehra sa gitna ng disyerto nag-propose

Tahimik ang showbiz career ngayon ng nakatatandang kapatid at kapwa sexy star ni Michelle Madrigal na si Ehra Madrigal at hindi gaanong napapabalita ang personal lovelife nito.

Kung kailan tahimik lamang si Ehra ay saka naman nito binulaga ang lahat nang mag-propose ang kanyang Chinese businessman boyfriend na si Tom Yeung sa gitna mismo ng disyerto ng Dubai witnessed by their common friends na kasama sa biyahe including socialite Tim Yap na siyang kasabwat ng nobyo ni Ehra sa plano.

Ang marriage proposal ni Tom Heung ay nangyari last Sunday ng gabi.

Nanay na, manager pa AiAi hahanapan din ng trabaho si Jiro

Pagkaraan ng mahigit anim na buwan, nakalabas na finally ang dating child actor na si Jiro Manio sa rehab na pinagdalhan sa kanya ng na­nay-nanayan niya ngayong si AiAi delas Alas.

Since namayapa na ang ina ni Jiro at nasa Japan naman ang kanyang biological father, si AiAi ang tatayong guardian ngayon ng actor.

Daig pa ni AiAi ang tunay na ina para kay Jiro na kumuha pa ng sarili nitong tirahan at makakasama. Nakatutok si AiAi sa kanyang bagong anak-anakan pati na ang mga panga­ngailangan nito.

Natutuwa rin si AiAi na suportado siya ng kanyang mga anak na sina Sancho, So­phia, at Nicolo at boyfriend na si Gerald Siba­yan sa ginagawa niyang pagtulong sa batang actor.

Nangako naman si Jiro na hindi niya bibiguin si AiAi sa mga tiwala at tulong na ibinibigay nito sa kanya.

Pansamantalang si AiAi ang tatayong manager ni Jiro at hinahanapan na niya ito ngayon ng trabaho para malibang at matutong mamuhay on his own.

Atom ipinu-push kay Pia

May pagkakataon kayang magkitang muli si Pia Wurtzbach at ang guwapong news reporter ng ABS-CBN na si Atom Araullo na siyang nauugnay ngayon bago pa man nakuha ni Pia ang korona sa Miss Universe?

Si Atom ang itinutulak kay Pia ng kanilang mga kaibigan habang nasa silent mode na ngayon si Pangulong Noynoy Aquino na minsan ding napabalitang nanligaw sa dalaga.

Speaking of P-Noy, ano kaya ang naging reaction nito sa kanilang muling pagkikita kahapon sa Malacañang nang mag-courtesy call ang bagong Miss Universe sa pangulo?

Napabalitang nagpadala pa umano si P-Noy ng bulaklak kay Pia bago ito tumulak pa-Las Vegas, Nevada kung saan ginanap ang 2015 Miss Universe.

Show comments