Sikreto sa pagiging sexy ni Yassi, ibubunyag sa Sports U

MANILA, Philippines – Marami na ang nabighani sa pagiging fit ni Yassi Pressman bukod sa galing niya sa pag­hataw sa dance floor. Sa panayam niya sa Sports U ngayong Huwebes (January 21), ipapakita ng tinaguriang dance floor princess kung paano niya nakamit ang magandang katawan at ibabahagi ang mga sikreto para magawa rin ito ng iba.

Bukod kay Yassi, mai-inspire naman ang mga manonood sa kwento ni Raymond Reyes na pinilit magpapayat at maging fit para sa sarili pagkatapos mapagtanto na hindi ikahahaba ng kanyang buhay ang nakaraang lifestyle.

Aantig din ang puso ng mga manonood sa mga pasyenteng may cancer sa Muntinlupa na palaban pa ring mag-zumba sa Dyanfit segment.

Naglalayon ang Sports U na ipakilala ang mga atletang may mga nakaka-inspire na kwento at posibleng maging sports star ng bansa sa hinaharap. Itinatagu­yod din nito ang pagkakaroon ng fit na pangangatawan at healthy lifestyle sa pamamagitan ng pagbabahagi kung paano ito nagagawa ng mga sikat na personalidad.

Huwag palalampasin ang Sports U ngayong Huwebes (Ja­nuary 21), pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.

Show comments