Kuya Germs pumanaw na

MANILA, Philippines - Pumanaw na ang batikang aktor na si German Moreno na kilala sa tawag na "Kuya Germs" ngayong Biyernes ng madaling araw.

Sa edad na 82 ay sumakabilang buhay na ang isa sa mga haligi ng Philippine showbiz.

Ayon sa mga ulat ay binawian ng buhay si Kuya Germs sa isang ospital sa lungsod ng Quezon.

Tumanggi naman ang pamilya niya na magbigay pa ng impormasyon.

Nitong nakaraang taon sa kaparehong buwan ay na-stroke ang host ng GMA show na "Walang tulugan with Master Showman."

Kilala rin si Kuya Germs sa pagpapasikat ng mga artista sa "That's Entertainment."

Show comments